Lahat naman ng tao may kanya-kanyang problema. Kaya nga nauso ang samu’t-saring hashtags…
Kapag nalilito ka kung sino sa mga manliligaw mo ang dapat sagutin — #gandaproblems.
Kapag tuwing lumalabas ka ng bahay, may napapa-picture sa’yo dahil kamukha mo si James Reid — #pogiproblems.
Kapag di mo alam kung ano ang mas bagay sa OOTD mo, ang red Prada o ang purple Birkin — #sossyproblems.
Ako, simple lang ang buhay ko dito sa BaCav. Pero hindi ibig sabihin nu’n wala akong mga problema…meron din, medyo naiiba lang.
Kapag puyat na puyat ka pero mapipilitan kang gumising kasi sabay sabay tumilaok ang mga panabong ng tatay mo — #PROVINCIATEDPROBLEMS
Kapag biglaan mong kailangan magpakain ng 100 katao kasi sa inyo pala ang huling istasyon ng Way of the Cross — #PROVINCIATEDPROBLEMS
Kapag nagmistulang parking lot ang kalsada at di ka makauwi ng bahay. Bakit kamo? Kasi lima ang sunod sunod na ililibing na patay eh bawat isa may prusisyon — #PROVINCIATEDPROBLEMS
Kapag napapagastos ka dahil kailangang may banda ng musiko (as in 50-person brass band levelz ha) ang bawat birthday, fiesta, kasal, binyag, salubong, Todos Los Santos, Semana Santa o kahit anupamang okasyon sa inyo — #PROVINCIATEDPROBLEMS
Kapag pinaghandaan mo ang Halloween costume mo pero di ka makapag-Trick or Treat kasi baka ipa-barangay ka ng mga kapitbahay — #PROVINCIATEDPROBLEMS
Kapag maiistorbo ang mapayapa mong panonood ng TV dahil kailangan mo tumulong sa paghuli ng nakaalpas na sisiw ng tatay mo — #PROVINCIATEDPROBLEMS
O diba, kakaiba. Pero masaya. Kayo, lalo na ‘yung mga lumaki o nagagawi sa probinsya, share your #provinciatedproblems dito. O kung gusto niyo lang maghimutok ng kahit na anong problema o issue niyo sa buhay, pwede naman kaming makinig. Malay niyo, mahanapan pa natin ng #soshalsolution. 😉
Mega relate ako sa patay. From 1998-2001, i had a really peaceful painter’s studio at the boundaries of Bgy Poblacion & Bgy Toclong in Famous Imus. I still miss the quiet and the friendly neighbours until now.
PS Bgy Toclong is where the cemetery is sa Famous Imus
Tgabikol ako madami din akong provinciated problems una yung lahat na LNG festival at re routing ang road pag bumusina ang pulis walang crime or walang hinahabol na criminal either my festival or dumating so Daniel Padilla or kung sino pang artista or my mga pumasa sa bar lol Sunod yung mga nanghihingi ng dahon ng malunggay d sa nagdadamut ako kung kelan malapit na magtanghali saka manghihingi kung kelan busy ka na or minsan nman kung kelan nananginip ka at wag ka kung pede din kasama ng niyog. May naghihingi din ng bunga ng langka hilaw o hinog lol. Binigyan ko na nga tangkay n malunggay para itanim namamatay daw lol. Pede nman manghingi kaya lang timing talaga kung kelan paalis ka na ng bahay saka darating
relate ako dun sa patay. Naexperience ko yan nung sa imus, etivac pa ako umuuwi! At ang isang provinciatedproblem? Kelangan gumising ng 3 am at pag inabot ka ng 6 am sa aguinaldo, bukas ka na makakarating mg makati!
Kapag pinapagalitan ka ng nanay mo dahil tanghali ka na daw gumising (pero pag tingin mo sa relo, 6:30 am pa lang naman).
Hahahha! I can relate to this, nung nasa bahay pa ako namin!! aga manggising..