Last year, buwan ng Hunyo, may batang nakakapit sa leeg ng kanyang Mommy sa labas ng classroom umiiyak. Ayaw pumasok sa loob ng room kasi “I don’t like school.”
Isang buwan ang nakalipas, ang batang iyakin ay naging bibo na. Kahit may sakit, bawal daw sya umabsent kasi hahanapin daw siya ng classmates at teacher niya.
At parang kelan lang… tapos na ng batang ito ang school year!
Sobrang proud kong ina. Excellent in Math ang anak ko… Mantakin mo yun? Sa akin nagmana yan, walang kokontra. ;-P
Matapos kaming umakyat ng stage para kunin ang certificate niya, tinawag ang top 3 students ng class at binigyan ng medal. Napansin kong namula ang ilong ni Addie… Sabi ko “shucks, di pa pala nagpoopoo yun.” Dinala ko si Addie sa washroom. Pero hindi pala niya kelangan mag-CR. Hinila niya ako para umupo tapos nagsabi… “Mommy, why don’t I have a medal?” Tapos umiyak.
Awwwwwww! Hindi ko akalaing magiging affected na siya sa ganun at her age. Naawa ako!
Di bale anak… BIBILHAN KITA NG MEDAL!
Este, mag-aaral tayo ng mas mabuti ;-P
Di bale, talo nya naman yung top 3 sa Math! 🙂
awwwww =(