What I can say during our short stay in Bohol is that the Boholanos are very friendly… And witty! Halos lahat ng nakilala namin dun may joke! Plus Bohol has so many tourist attractions. Kung puwede lang puntahan lahat…
We rented a van for our day tour which costs P 3,500. The van can fit 10 persons and was good for 8 hours. Sabi ni Manong driver kay Addie. “You’re lucky you met a giant tarsier, at siya ang tour guide niyo ngayon.” Witty si Kuya!
First stop is the Hinagdanan Cave.
Nung nakita ni Addie yung stairs papuntang cave, umatras.
Addie: Why are we here? Why are we going to a cave. We’re not bears!!
Oo nga naman. Pero puwede namang for experience lang di ba anak?
Located at Panglao Island, Bohol, Hinagdanan Cave is a naturally lighted cave made of limestone. It has a deep lagoon with large stalactites and stalagmites. If you have children or elderly with you, make sure that they hold the railing since the flooring is slippery.
Sabi ni Nash (ang tour guide sa Pinaghagdan Cave), miracle water daw ang nasa loob ng cave. Nakakapayat. Pero parang di naman umubra… Malusog pa rin kami pag-labas.
Masikip ang daanan kaya pinapauna muna mga tao makalabas. Ang spiel ni Kuya Nash “palabasin muna ang mga 3 araw ng nasa loob. Kahapon po 150 lbs po yan, ngayon ganun pa rin po.” Witty talaga. Pinag-tripan pa si Addie at tinawag na Dora. Si Addie naman, nagalit! Pagbalik naming van, tinanong ko kung bakit.
Me: Why are you mad? Because he called you Dora?
Addie: Yes, because, I’m not Dora. I’m Diego.
Patay!!!! Idol niya talaga si Diego. 😛
(Eh Dora naman kasi talaga ang bangs ni Addietot :P)
To view more photos of Hinagdanan Cave, click here -> Hinagdanan-Cave-Bohol
Galing din po ako diyan. Maganda sana ang cave kaso ang inet!