Isa sa mga perks ng pagiging kambal ni La Greta ay ang pagkakataon to “rub elbows” with the alta sociedad. At kasama na dyan ang mga celebrities. At dahil mahilig kami sa mga artista, tuwang tuwa kami that we’ve grown very close to some of them. Katulad na lang nina…
Ang kababata kong si RR Herrera.
Super tagal na naming di nagkikita nyan. Right after matapos ang “Eh Kasi Bata!”, never na ulit kami nagka-communication. Kaya laking tuwa ko that he hangs out din pala dito sa favorite Japanese resto ko sa Makati. I barely recognized you, but ‘twas really nice seeing you again, RR!
Ito namang si Luis Manzano…
Hay naku, can I just share na before pa sina Angel Locsin at Jennilyn Mercado, ako talaga ang pinuputakte nyan. My gaaaad. And I thought na naka-get over na siya and all pero the last time na nagkita kami sa isang event…AYAN.
#CantTakeMyEyesOffYou #MomentsOfLove
But one of my closest celeb friends is Anne Curtis.
Sobra nga raw siya na-touch sa birthday greeting ko sa kanya eh. First time daw niya maiyak nang ganun. Sabi ko, OA ka, girl!
But of course, hindi lang ako ang may artista friends. Magpapahuli ba naman sina D at S?!
Here’s D with guess who…clue: HUNK KUNG HUNK. HOT KUNG HOT. Walang iba kundi si Derek Ramsay!
May funny story pa nga ang photo na ‘yan. That night, while having dinner, nakatanggap si D ng text message…
“You’re D. I’m D. MFEO.”
Sumagot naman si D ng, “Hu u?”
“I’m the hot guy in a fedora behind you.”
Paglingon ni D, “DEREK, ikaw pala ‘yan! You are sooooo funny!”
Ito namang si S, di namin akalaing super close pala kay Jolo Revilla.
Medyo nagselos na nga si Jodie eh. Mantakin niyo ba namang sumingit pa sa photo si Jodie! Kamusta naman diba?!?! #ThirdWheel
Pero tulad ng lahat ng bagay, having a celebrity status also has its downside. Nawalan na talaga kami ng privacy. Madalas nga nyan, bigla na lang lumalapit ‘tong mga taong ito para magpa-picture.
Edgar Allan
John Lloyd
Sam Milby
Judyann Santos
Ni hindi man lang nila naisip that all we really want is to have a quiet dinner with family and friends!
Pero wala namang magagawa. It comes with the territory. Anyway, alam naman naming kung hindi dahil sa mga fans na tulad nila, wala kami sa kinalalagyan namin ngayon. And for that, we’re grateful.
PAALAALA: Ang nasasaad sa entry na ito ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda.
#Ilusyonada
#IuntogAngUloSaPaderNangMatauhan
Leave a Reply