Nagde-date kami ni Papa N noong isang gabi. Kumain kami sa Som’s malapit sa Rockwell. Panalo ang Thai food at ihaw-ihaw, may bonus pang TV kaya hindi namin na-miss ang The Voice Kids Blind Auditions.
Habang commercial, pinakita ang teaser ng Pinoy Big Brother. Sa dinami-dami daw ng nag-audition, nakapili na sila ng ilang bubuo sa bagong batch ng housemates. Napanganga ako.
Papa N: P, kitang kita ko pa rin sa mukha mo ang pagnanasang makasali sa PBB.
P: Talaga! Willing nga ako mag-resign sa trabaho pag natanggap ako dyan eh!
Papa N: Weh??!
P: Totoo! Magre-resign ako!
Papa N: ‘Wag naman resign.
P: Sa bagay, pwede naman akong mag-leave lang ng mga 3 months noh? Diba ganun katagal ang isang season.
Papa N: 3 months??? Siguro mga 2 weeks lang.
Huh? Napaisip ako…
P: Bastos ka! Ibig sabihin ako unang una mae-evict?! Wala kang suporta!!!
Papa N: Bwahahahaha!!! Hindi naman sa ganun, the way I see it…
(yes, in-English pa ‘ko ng mokong!)
it’s either ikaw ang lumabas ng bahay o si Kuya.
Ah ganun?! Humanda ka, Papa N. Kapag naging Big Winner ‘tong jowa mo, wala kang balato sa P2 Million ko. Di rin kita isasama sa Asian trip for two…
At higit sa lahat, hindi ka makakatapak sa condo unit ko courtesy of Amaia! Hmph! 😛
Leave a Reply