Uy, may tsismis ako. Alam niyo bang may boylet si Nene?!
Ops, ops, ops, hindi si Sprite ha! As in legit na boylet! Sa katunayan, #isteytsayd pa! Yes, kano!!!
Pogi ang lolo mo. Brown hair, maputi at higit sa lahat, matangos ang ilong! Bawing bawi na ang ilong mo, Ne!
Nagsimula sila sa pa-chat chat. At ngayon, lumevel up na sa Skype. Madalas ko nga mahuli itong si Nene na nagtatago sa may labahan. Medyo liblib kasi dun…at malakas ang wifi. Natatakot ata ma-judge sa English niya.
Pero siya na rin mismo ang nagkuwento na hirap na hirap siya makipag-usap sa Amerikano. Pero kung hirap si Nene mag-English, mukhang nahihirapan din si Pogi intindihin si Nene. Eto ang narinig kong conversation nila…
Nene: Is it difficult to understand me?
Because my accent is like Manny Pacquiao.
Pogi: I actually find it amusing…
the way you pronounce words…and they all sound the same.
Nene: Ow, really? Like what?
Pogi: Like when you say READ, REED and RED all the same. It’s adorable.
NAAAKS! ADORABLE!
Pogi: Do me a favor, say these words…”MALE.”
Nene: MILL…like for the comfort room…MILL and FIMILL.
Pogi: Haha! Ok, now try saying “MEAL.”
Nene: MILL…for the Happy MILL of Mcdo.
Pogi: Good one. Now say “MAIL.”
Nene: That one I know, because we always send each other E-MILL.
O ano, taob tayong lahat kay Nene! Kahit minsan di matapos ang sentence o di maituwid ang dila, pasok pa rin sa banga! Tunay na walang hindi nadadaan sa winning personality. 😉 We’re so happy for you, Nene! Isa lang ang malungkot sa sitwasyong ito…walang iba kundi si Sprite. #bitter
Hala mukhang uunahan ka pa Atty. P!
mukhang may forever na si NENE 🙂