Kung may GGSS (ehem, ehem, Carlos Agassi), well, there’s a new GG in town!
Iba naman ‘to. Dito natin matutunghayan ang pagkakaiba ng mga tao sa lipunan. Dito natin mapaghihiwalay ang alta sociedad sa hindi. Dito rin tayo mamamangha sa husay, talino at abilidad nating mga not-so-nakaaangat-sa-buhay. Presenting, ang first entry ni Nene, ang GGLL…
GG = Gipit na Gipit vs. LL = Luwag na Luwag
LL: Toothpaste vs. GG: Asin Toothpaste pag bagong sweldo.
Hayahay! Asin pag ubos na sweldo. Kulang na lang paminta may paksiw ka na. Nilinis mo na ngipin mo, may ulam ka pa.
LL: Dentist vs. GG: Tali ang ngipin sa pinto
Kapag nakaluluwag-luwag, may dentist. Kapag gipit na gipit, sariling sikap. Uga-uga ng ngipin sabay hila.
LL: Bath soap vs. GG: Champion bareta
Mayaman, naka-Dove! Bango bango. Eh tag-hirap. Isabay na sa laba ang ligo para tipid sa sabon!
Left photo from www.bbc.com
LL: Cotton buds vs. GG: Posporo na may bulak
Adik ako dyan! Di bale mawalan ng load, makabili lang ng cotton buds. Pero pag walang wala na talaga, as in sagad, kasi humingi si ina ng laging saklolo ng pera, ulo na lang ng posporo na binalutan ng bulak. Pasok pa rin sa banga…este sa tenga!
LL: Artisanal Coffee vs. GG: Kapeng gawa sa sinunog na bigas
Sa Maynila, Starbucks. Sa Cavite, 3 in 1. Sa Samar, sinunog na bigas + mainit na tubig = kape! Cheers!
Left photo from www.teach.dabble.com
LL: Pink salmon vs. GG: Orange Dilis
Sabi pink salmon…ba’t kulay dalandan? Ayos na rin, at least salmon. Soshal. Pero buti pa ‘tong orange dilis, orange talaga. Oh baka may pink din neto?
LL: Beefsteak vs. GG: Toyo-mansi
May bonus! Naka-beefsteak, real na real beefsteak! May sibuyas pa. Kumpleto rekado! Eh nagbayad ng upa ng bahay, wa datung, wa ulam. Isipin mo na lang, may baka yan!
LL: Dental floss vs. GG: Buhok
Pasasaan ba’t maitatawid din ang tinga. Pero pwede rin wag na lang mag-floss…para may pang-agahan pa kinabukasan.
#LifeAccordingToNene
You always brighten up my day
habang naliligo with Champion bareta, ipanghilod mo na rin yung mga medyas at brip para libre ka na rin sa labada!
lubid talaga pang tanggal ng ngipin? alam ko sinulid lang ginamit sa akin dati…hahahahahhaa! galing galing!!!!
wagas ang buhok for floss!!!!