Nangahas ako bumili ng mamahaling damit sa mall ni Papa N – ang Powerplant. Naks! Sabi ko sa sarili ko, minsan lang naman atsaka sale kaya kakayanin ng budget.
www.alltravels.com
Pagpasok namin ni Papa N, ikot ikot…tingin tingin. May nakita kaming magandang bestida na matingkad ang kulay.
www.shoppingsmycardio.com
Papa N: Bagay na bagay yan sa’yo, P!
P: Ang ganda nga noh? Mukhang soshal na soshal.
Nakita ko ‘yung puting version nito eh. Naka-sale. ‘Yun na lang kaya?
Papa N: ‘Wag. Mas bagay sa’yo yan.
Nang aking sinukat, huwow! Mukha na akong Titas of Manila sa ka-soshalan! I belong sa Rockwell! Bago lumabas ng fitting room, tinanong ko yung assistant kung naka-sale ang damit. Oo daw. AYOS!
Pumila na kami sa nag-iisang cashier sa tindahan. May anim na kataong kasunod ko sa pila.
Saleslady: Ma’am, the total is P2,500.
P: HAAA?! (Jusko! Madami na ko mapapakain sa P2,500!)
Diba naka-sale ‘yan? Sabi kasi nung saleslady sale daw eh.
Saleslady: Let me check again, ma’am…
….
….
P2,500 po talaga, ma’am.
Nanlaki ang mata ko! Tinignan ko si Papa N.
P: Bibilhin ko pa rin ba?
Papa N: Bilhin mo na.
P: ‘Yung puti na lang para mas mura.
Papa N: Bayaran mo na ‘yan…sige na…
Nagtaka ako kay Papa N dahil mas kuripot…este masinop ( 😛 ) siya kesa sakin.
P: Eh ang mahal eh!
Papa N: Bilhin mo na…ANG DAMING NANONOOD!!!
Paglingon ko sa likod, anim na pares ng mata ang nakatingin sa akin…at anim na pares ng kilay din ang nakataas, tila nilalait ang purchasing power ko.
haleymiranda.com
Pakshet!
Ang kinatapusan, nang dahil sa anim na pares ng mata na jinudge ako, pinikit ko ang aking nag-iisang pares at bulag-bulagang ini-swipe ang lumuluha kong credit card sa makina. Good bye, P2,500. 🙁
#YanAngNabibiliNgPride
Lol! I can relate 🙂