Alam niyo ba kung gaano ako ka-faney ng tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper ng 90.7 Love Radio? Sa katunayan, incentive ko sa pang-araw araw ang maaga bumiyahe pa-opisina para maabutan ang kwento ng “Mahiwagang Burnay”. At nakikibilang ako nga “5-4-3-2-1…” tuwing nahihirapan si Chris mag-isip ng pagkain na nagsisimula sa letter “B”.
Isang beses nagtangka na rin akong pumuntang Manila Broadcasting Company kasama ang kaibigan ko (Hi, Liezl!) sa pag-asang makita sila in person kaso di ko sila naabutan.
Pati ang tugtog nila, relate na relate ako. Kung baga, it’s my jam! Nagtangka ako makinig sa ibang radio station pero bumabalik pa rin ako sa 90.7…kasi ang 90.7, BISYO NA ‘TO!
Gusto niyo ng pruweba? Watch our latest video sa The Soshal Network Youtube Channel.
Kapa ka ng kapa sana may pera pa. Hahaha
Sakit sa tyan. π
Aliw! Ang galing mo haha. Mas lalo akong natawa nung kinanta mo na mga lines ng ads, kasi memorize ko rin lahat ng iyon. π
Aliw na aliw naman ako sayo madam! Yan ang tunay n para sa economiya.. hahaha..! Faney mo rin akez! Pati si Ms D and Ms S! Nakakatanggal stress ang blog nio. Mwaahhhuggs!
Wow Miss P and Miss D! Ikaw ang pinaguusapan ngaun sa Tambalan π
Di namin naabutan huhu π kuwento please!!!
aw.. hehe.. sana daw po makapunta kayo dun at wag daw kayo magdadala ng posas! hehe.. Sana narecord nila para meron sa youtube. π
Punta na kami dun ngayon! Hahaha! Salamat Gin π
Good news.. narecord ko pala. hehe. you can give me your email and I will send it to you π
we love you Gin!!!!!!!!! π it’s thesoshalnetwork@gmail.com. Super thank you π
Ganda makeup mo, Ms. P! π
kaloka pero teh ako pdi na nageffort kasi may pic kami ni NicoleHyala at sa SM Bacoor noong minsan naghost sya para sa Album Tour yata ni Jaimie Rivera hahahaha (sya at si Jowadik)
HAHAHAHHAH!!! You just made my day! Again! π
Pakisabi kay Nicole Hyala at Chris Tsuper, faney na faney ako!!!
We have sooo much in common Ms. P! at I’m sure nakikinig ka din ke PapaJack sa gabi. push mo yan, kabisyo! π
Tumpakers, J!!! 9pm to 2 am. Pak! π