Kapag nagkukuwento si Domesticated about Addie…yung first day of school niya, na parati siyang nilalambing at always siyang hinahanap, natutuwa ako. Naaalala ko kasi kung gaano rin ako ka-clingy kay Mother Earth. Sa sobrang clingy, ayoko na pumasok sa eskwela. Gusto ko lang parating nakabuntot sa kanya.
P: Mommy, masakit ang ulo, kamay at tiyan ko. Di na muna ako papasok please.
Mudra: Ok. Ayaw mo pumasok? Sige. Hoy, Flora (si NaeNae Flora), bihisan mo na ulit si Camille. Di na raw siya papasok. ‘Yung mga libro niyan, sunugin mo na. Pati ang uniform, ipamigay mo na rin. Pati ikaw, Flora, mag-empake ka na at umuwi ka na sa inyo. Si Camille na ang maglilinis, maglalaba at magluluto dito sa bahay. Ayaw na raw niya mag-aral eh.
Mabilis pa sa alas-kwatro, naka-uniform at nasa sasakyan na’ko. #ReversePsychology
Kapag napipilitan ako pumasok, sinasadya ko naman mag-iwan ng gamit sa bahay – libro, project o sewing kit. Tapos, ihahanda ko na ang mga barya ko pantawag sa pay phone…
P: Mommy, naiwan ko yung project ko.
Mudra: Pambihira kang bata ka!!!
Boljak na naman ako. Pero ok lang. Kasi makikita ko si mommy pag hinatid niya yung project ko. 🙂
Grade 3 ata ako noong pinaggagagawa ko ‘yan. Bagets pa eh. Kaya understandable kung attached na attached ako kay Mother. Eventually, mao-outgrow ko rin yun…
Kaso hindi. Nakakahiya mang aminin, pero natutulog pa rin ako sa gitna nina Mother Earth at Father Thunder hanggang…hanggang…hanggang 27 years old ako. Ok lang, judge niyo ko.
Minsan tinanong ko nga si Mommy…
P: Hindi ka ba naiirita?
Mother: Saan?
P: Sa akin? Kasi buntot ako nang buntot sa’yo, Mommy. Kapag nasa sala ka, pupunta akong sala. Kapag nasa kwarto ka, sumusunod ako sa kwarto. Feeling ko kung ako ikaw, maiinis ako sa akin.
Mother: Loka! Bakit ako maiinis eh anak kita?!
Kaya nang mawala si mudra 2 years ago, nahirapan ako nang bonggang bonggang bonggang bongga. Hirap nang wala nang binubuntutan. Pero I take comfort sa fact na nasulit ko naman ang bawat minuto at segundo na kasama ko si Mother Earth, precisely dahil clingy ako. 🙂
Mother Earth, 2 years ka nang housemate sa Bahay ni Big Brother. Pero Level 737 pa rin ang pagka-miss namin sa’yo araw-araw. Ok lang, kasi dyan, walang eviction. Alam naming you’re always safe. We love you mudra!!!
P.S. Ikaw ang BIG WINNER sa buhay namin.
Huhuhu
Ibang klase ka talaga Mother Earth! We love you!
KAKATOUCH maswerte ako si mother ko nagaalaga sa anak ko at kasama namin sya sa bahay 🙂 i can’t imagine mawala si mother kaya ibigay na lahat ng pagmamahal habang nanjan pa sya sa tabi 🙂
Naiyak ako sa post na to. Nasa Malcolm Hell ako ngayon at overload at may OLA. Gusto ko na umuwi sa bahay. Iniisip ko na lang, konting kembot pa at mag eexam na at pag pumasa na ako ng BAR sa tabi na lang ako ng mga magulang ko forever and ever. hahaha
Very touching…pero gusto kong i-point out yung sa first part ng post kasi ganung ganun din ang nanay ko. Para isang araw ko lang di trip pumasok di na agad papasok forever?! Well, that escalated quickly! Hahaha
Touch naman ako Ms P. Any mom would be lucky to have a daughter like you.
:-‘( … parang dko maimagine yung moment na mawawala nanay ko.. gusto ko na nga magretire eh para ako na mag alaga ke mudrabels..
feel na feel ko tong post mo nato madam! Naiiyak nko!
Huhu touching naman, naiyak tuloy ako. 🙁