Nagkayayaan ang officemates ko na pahirapan ang mga sarili namin at mamundok. Bilang first-timers ang karamihan, iisipin mong dapat yung madaling hiking trip muna ang susubukan namin diba? But no, gusto namin yung Level 576 agad ang difficulty level…Mt. Pulag is it! Ang 3rd highest point lang naman sa buong Pilipinas, why not?!
Jusme! Ibang klaseng hirap pala yun! Magdamag kami bumiyahe pa-Baguio. Pagdating ng Baguio, biyahe ulit papuntang Ranger Station sa paanan ng bundok. At nang makarating na dun, sinimulan ang paglalakad nang 1am…sa gitna ng kadiliman…sa gilid ng bangin.
Matapos ang paglalakad nang 5 oras, halos 3 araw na walang ligo, 4 layers of clothing at 0 na comfort sa comfort room, naabot na namin ang 2,922 meters above sea level at…SULIT NAMAN!!!
Eto ang ilan sa mga eksena sa aming malupit pero masayang once-in-a-lifetime (kasi di ko talaga uulitin) experience na ito!
Please see full video here -> https://youtu.be/PvxxU-OJsWM
Pagbaba…
Tour Organizer: Bakit ganyan itsura niyo? Nag-enjoy ba kayo sa climb?
P: Walang hiya kayo!
Tour Organizer: Oh, baket???!
P: Ang sabi mo sa’min MOUNTAIN ang aakyatin. Wala kang sinabing MOUNTAIN RANGE!!! Anak ng %#$@!
Sobrang nakakatuwa yung video! Grabe gusto ko na ding umakyat ng Pulag.