Tuwing may nagtatanong kay Papa O kung ano ang trabaho ng misis niya, at sinasagot nya na isa akong “abogada”, ang common reaction ay… “Tsk tsk eh di palagi kang talo?” o di kaya “eh di under ka?”
Abogada lang, under na agad? Na-hurt kaya ako. Kung alam lang nila kung gaano ako MAASIKASOΒ sa mister ko.
Ako ang nagdedesisyon sa mga pang-araw araw na problema o gawain…. para hindi siya ma-stress π
Pero pagdating sa mga mas mahahalagang bagay, siya ang batas. Halimbawa, siya ang nagdedesisyon kung dapat ba ipasa ang Bangsamoro Bill at kung sino ang bobotohin namin sa eleksiyon. πΒ
Sinisigurado ko rin na tama ang mga komputasyon ng mga bills, lalo na ang mga service charge at VAT sa mga restaurant…. bago ko iabot sa kanya. π
Sinisigurado ko rin na di siya lolokohin ng employer niya. Inaalam ko kung buo at tama ang natanggap niyang suweldo at buwis na binawas dito.Β Binibilang ko pa yung pera sa harap niya…. at titirhan ko siya ng allowance π
Minsan nagsasabi siya na bibilhan niya ako ng isang bagay pag nagka-pera siya. Hindi ko siya minamadali, hindi rin ako umaasa. Kung meron masaya, kung wala masaya pa rin. Pinapasulat ko lang yung pangako niya sa papel at pinapapirmahan…. para lang di namin makalimutan π
Sinisigurado ko rin na may magagandang aral ang mga pinapanood niya. Halimbawa, nung Sabado gusto niya manood ng boxing. Eh marahas… pinanood ko nalang siya ng AlDub. π
Minsan ang daming nagtetext at tumatawag sa celphone niya…. sinasagot ko para di na siya maabala π
Pero hindi ko siya pinipigilan lumabas kasama ang mga kaibigan niya ha. Sinisigurado ko pa nga na ligtas siya…kaya tinetext at tinatawagan ko siya palagi kung anong oras siya uuwi. π
Kaya hindi ko gets bakit nila iisiping under si Mister…
hahaha! winner talaga D!
HAHAHAHA SUPER TAWA ko dito! Maasikaso nga. ganun din ako, di nga lang abogado kasi no brains for it phahhaa
I looove your article! Hahaha. β€
HAHAHAHAHA ganun din pala ang labas hahaaha i love it, super! ang kulit!
hahaha! π Abogada din pala ako. lol
Hahaha, ang kulit!
Hahaha! Maasikaso indeed!
I love this blog so much!