Grade 4 ata ako noon. Sinundo ako ni Father Thunder sa eskwela at nakaliko na kami sa kanto ng Talaba. (Sa mga taga-BaCav, alam niyo ‘yan. 😉 ) Pero nahirapan kami dahil malupit ang traffic. Parang ka-level lang ngayon. Pero noon, bihira mag-traffic nang ganun sa lugar namin kaya takang-taka kami.
P: Daddy, ano nangyayari?
Father Thunder: Hindi ko nga alam eh. Teka, bababa ako para magtanong.
Agad ko namang binuksan ang bintana ng koche para maki-usyoso. (Bata pa lang, chismosa na.)
Father Thunder: Boss, ano po ba problema? Bakit parang nagkakagulo?
Mamang Tambay: Ah, may sunog daw eh.
Father Thunder: Saang banda?
Mamang Tambay: Sa Barangay Kaingin.
Hala, barangay namin ‘yun! Napatingin sa akin si Father Thunder. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Naiwan kasi sa bahay sina Mother Earth, Atekupungsingsing at Nanay Flora. Puro babae.
Father Thunder: Saang banda daw sa Kaingin?
Mamang Tambay: Kina BUHAIN daw.
Father Thunder: Paraanin niyo kami!
Mamang Tambay: Hindi nga ho pwede kasi may sunog.
Father Thunder: Eh bahay nga namin ang nasusunog!
P$%#@&* I%@!!! Paraanin niyo kami!
(photo from gmanetwork.com)
Minsan ko lang marinig magmura ang tatay ko. Afraidy Aguilar. Bilang barado na rin ang daan, agad akong pinababa ni Father Thunder sa koche. Iniwan namin lahat – koche, school bag ko, lahat! At tinakbo namin ang kahabaan ng main road – tatlong barangay – para makarating sa bahay! At pagdating namin…
(Photo from lagunatravelguide.com)
ANAK NG TETENG! Hindi naman pala sa amin ang sunog! Sa looban malapit sa amin pero hindi sa BUHAIN residence tulad ng sinabi ng walang hiyang Mamang Tambay na ‘yun! Muntik na kaming himatayin sa nerbyos sa ginawa niya. Wala syang habag.
Partly, kasalanan din ni Mother Earth dahil masyado siyang popular kid. Tuloy, kapag may nakawan, dun kina Buhain nangyari. Kapag may raid, dun sumugod kina Buhain. Kapag may patayan, dun sa kanto nina Buhain tinumba.
JUSKELERD! HINDI PO LANDMARK ANG BAHAY NAMIN TULAD NG MONUMENTO NI RIZAL AT AGUINALDO SHRINE! UTANG NA LOOB!
(photo from dentistcaviteaccredited.com)
Kakadiskubre ko lang ng blogsite niyo. Sobrang naaliw ako sa mga postings mo kaya nag marathon ako ng basa. Kababayan ko pala si Papa N, taga san pabloy. Pero dito na ako nakatira sa lupain ni obama. Salamat sa mga kaaliw mong postings.
Wow, imported ka na pala ngayon! 🙂 Salamat sa pagbabasa. Hello kamo kay Papa Obama! 😉
Palitan na ang Bgy.Kaingin to Bgy.Buhain… Rhyming naman 🙂
Tatakbo muna akong kapitana. ;P
hahhhahahhahahha!!! Dapat gawing official landmark na pala yan!