Puro reklamo ang naririnig, nababasa at nakikita natin sa radyo, pahayagan, telebisyon at social media tungkol sa buhol-buhol at walang pakundangang traffic. Nasasayang nga naman kasi ang mahalagang oras natin araw araw. Sa halip na magreklamo, bakit hindi natin gawing productive ang paghihintay sa traffic?
–
1. Start a project.
www.versusbattle.com
Mag-ganchilyo habang nasa EDSA. In 3 days, baka makagawa ka na ng bestida.
–
–
2. Plan your life.
Set your 5-year plan. Pero magbigay ng allowance for traffic. Gawing 15-year plan.
–
3. Bring your work.
Dalhin ang mga hugasan at labahan sa koche. Linisin mo na rin ang koche mo.
–
–
4. Beautify.
Magdala ng rollers. Patayin ang aircon ng koche hanggang magmala-sauna na. After 4 hours, voila, Digipermed hair! Enjoy your curls!
–
–
5. Create strategic alliances.
Ilabas ang galit at ubusin ang mga kaaway sa Clash of Clans.
–
6. Add income streams.
Mag-sideline sa isang collection or sales agency. Siguro naman sa 5 oras sa daan, may makolekta at mabentahan ka.
–
7. Challenge your mind.
www.edsabillboards.com
Gumawa ng SWOT analysis sa mga billboard ads at isumite sa mga ad agencies.
–
8. Support the micropreneurs.
life-inthephilippines.com
Ubusin ang lala, kropek at mani sa kalye.
–
9. Meditate.
Isipin kung paano ka hindi maiihi…
–
10. Eliminate.
Magdala ng tiyane. Tirahin ang kilay, buhok sa kilikili, pati sa tenga, bigote o balbas, pati buhok sa ibabaw ng hinlalaki sa paa. By the time makauwi ka, you’ll be flawless!
–
–
“Things turn out best for the people who make the best out of the way things turn out.”
–
Hahahahaha
naloka ako sa SWOT analysis. College days! 😀
hahahahahha!
day ipatint mo naman ang koche mo, public scandal yang magbawas ng buhok in public!
Wagi yong pang sampu. Pwede rin mag toothbrush habang naghihintay na umusad ang sasakyan. Nakakita ako ng ganyan dito sa lupain ni obama nung panahon ni clinton.
Hahaha! Great tips!