Kung may isang bagay tayong natutunan kay Pastillas Girl (bilang solid Yaya Dub fans kami), yun ay ang PWEDE PA RING MAGING MATAMIS ANG PAGIGING BITTER.
Tingin namin yan ang inspirasyon ni Mommy Krisna a.k.a. Graham Balls Girl. 😉
“Kumakalat na sa social media ngayon ang mga recipe sa paggawa ng pastillas, yema, leche flan at spaghetti. Pati si Top Gear Philippines nag-share na din kung paano mag-drive ng manual na sasakyan. So ngayon, tuturuan ko na lang kayo kung paano gumawa ng GRAHAM BALLS with FEELINGS. 🙂
1. Kumuha ng condensed milk, evaporated milk, butter at isang pack ng crashed Graham crackers. Haluin sa isang lalagyan. Paglaruan mo hanggang makuha mo ang perfect na texture. ‘wag ka mag-alala, madali mo naman mape-perfect yan dahil magaling ka naman maglaro, di ba?
2. Gumamit ng measuring spoon sa pagkuha ng mixture pagkatapos ay bilugin mo sa mga kamay mo. Mararamdaman mo na lang na habang tumatagal masaya palang magbilog. Katulad lang din ng ginawa mo sa akin (at sa iba mo pang mga babae). Di ba ilang taon ka din nag-enjoy sa pagbilog sa ulo ko? Letse ka.
3. Kapag nabilog mo na, lagyan mo ng fillings sa loob para mas masarap. Katulad na lang noong ibinuhos ko ang feelings ko sa’yo dahil sa galing mong mangbilog! Pwedeng gawing fillings ang Nutella, Peanut Butter or cheese. Depende sa kaya ng budget mo. Parang nung bago pa lang tayo na panay ang bigay mo ng Ferrero pero paglipas ng mga buwan at taon ni Choc Nut hindi ko na natikman sa ‘yo.
4. Lagyan ng coating. Pwede kang gumamit ng milk or chocolate. Tandaan na special Graham balls ito kaya pinalagyan ko pa ng coating. Katulad lang ito nang pagsasabi mo noon na espesyal ako sa ‘yo sabay halik sa noo ko. Tapos kapag may ibang babae kang kaharap, dinedeny mo naman ako. Hayuf.
5. Lagyan ng sprinkles. Pwedeng chocolate o rainbow sprinkles, crashed Oreo cookies and nuts. Marami kang choices actually. Katulad din sa mga babae mo. Di ba meron kang maputi, may morena, may mahaba ang buhok, may kulot, may matangkad, may maliit? Tapos meron ka din bakla, di ba? *Boses ni Babalu* Wow! Ang pogi mo, pare! Ikaw na talaga!
6. Ilagay mo sa ref para mas magtagal. Dahil katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo, dadating din ang araw na mapapanis din yan.
*Ang inyong nabasa ay pawang kathang isip lamang. Ano mang pagkakahawig sa aking nakaraan ay sadya pong nagkataon lang. Hahaha! :P” – Krisna of http://www.lifeastheceo.com/
haha dali dali ko binuksan akala ko nagbebenta ng sweets online pandeliver kay gf mga tiya.
Sige po! Kapag naisipan ko ulit magbenta, babalitaan kita. Hehehe! 😀