Noong Sabado, tumanders na naman ang lola Domesticated niyo. Salamat Ms. Provinciated, Ms. Sophisticated at sa mga bumati sa akin. Masayang masaya ako nung kaarawan ko. Walang handa pero ok lang dahil masaya ako sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob sa akin. Masaya ako na mayroon akong matatalik na mga kaibigan, marangal na trabaho at magandang pamilya. Isang tao lang ang hindi masaya sa kaarawan ko.
Matapos ko siya paghirapan dalhin sa tiyan ko ng siyam ng buwan, at magcelebrate ng birthday sa ospital, ayaw niya mauna ako magbirthday sa kanya?? Hahahaha!
Bumawi naman si Addie. Pagkatapos kausapin ni Papa O, lumapit sa akin na may dalang heart sticker at hinalikan ako.
Addie: Happy birthday, Mommy. I love you.
Me: Aww, thank you baby. Where did you get this?
Addie: There in my room. From the stickers you put on the wall.
Award… Practical. Reuse and recycle.
Hahahahaha! Addie is so cute. So ayun nagmamarathon reading ako here.