HOBBIES:
Father Thunder – Sabong, Golf, Clash of Clans (yeheees!) at ADOBO
Kuyakoy – Biking, Swimming at SEAFOOD
Atekupungsinging – Coloring, si Coco at CRISPY PATA
Provinciated – The Soshal Network, Teleseryes at KARE-KARE
Oh, alam na! Sabi nga nila, the family that chibugs together, stays happy together. ‘Yan ang Familia Provinciated. At laking tuwa ko when I discovered the perfect place to bond with my family – a place kung saan patok ang adobo, seafood, crispy pata, kare-kare at marami pang iba — walang iba kundi ang KUYA J RESTAURANT!
I’ve heard of Kuya J from friends. Sabi nila, it started as a small eatery in Cebu and word has it that they serve great food in a familiar and homey atmosphere. Sabi rin ng dabarkads ko, masarap daw ang scallops dito. At totoo nga!
GRILLED SCALLOPS na punong-puno
Ng cheesy butter topping.
#LasangPengePa
Aside from the scallops, sinubukan din namin ang LUMPIA PRESKO…
Sauteed crabmeat and bamboo shoots (a.k.a. labong)
Rolled in malunggay-infused wrapper
At syempre di pwedeng walang katernong sweet garlic sauce! Naalala ko tuloy ang lumpia ng Lola Ninang ko. 🙂
At CHORIZO DINAMITAS WITH GARLIC DIP.
Ahahahay! Sumabog ang sarap sa bibig ni Papa N 😉
And that’s just for starters. When the main dishes arrived, hindi ako handa! Hindi ako handa sa dami at sa sarap ng…
KARE-KARE
Malambot na karne at malapot na reinvented peanut sauce.
Malaki ang serving at sa manamis-namis na bagoong pa lang, ulam na!
CRISPY CATFISH
Battered deep-fried catfish –malutong at panalo kapag sinawsaw sa
Kakaibang chili tuba sauce at malinamnam na bagoong mayo.
POCHERO BULALO TAGALOG
Tender beef shank in creamy tomato soup. Hay…
SIZZLING SISIG WITH EGG
Isa pang winner! Ang masasabi ko lang, RICE PLEASE!!!
–
Wish granted dahil eto na nga ang DANGGIT RICE
May ganito pala?! Bakit ngayon ko lang natikman??!
But if there is one dish na hinding hindi mo pwede palampasin, ito ang Star of the Kuya J Feast – ang CRISPY PATA!!!
Perfectly deep-fried pork skin,
Tender juicy pata meat tapos
Hihimayin pa sa harap mo ng…
BLOCKBUSTER BIDA NI KUYA J – JERICHO ROSALES!!!
Nakakaloka!!! Nalito talaga ako kung alin ang uunahin ko – CRISPY PATA o CRISPY PAPA! Parehong yummy eh! Papa Echo was just as accommodating and friendly as the staff of Kuya J. Kuyang kuya talaga sa pagiging maasikaso at maalaga.
Para akong nanood ng Bridges of Love with “Gael” habang kumakain. My two favorite hobbies rolled into one!!!
The familiar yet sophisticated desserts at Kuya J capped off the evening.
MANGO PANDAN
Ang classic panghimagas na creamy at
tamang tama ang tamis
TABLEA COFFEE FLAN
Tsokolate level 257!
FRIED HALO-HALO
With matching whipped cream and vanilla ice cream on the side
#SalaSaInitSalaSaLamig 😉
Masarap na lutong bahay food with a twist – check!
Presyong kapatid – check!
Alagang kapamilya – check!
Parang-nasa-bahay-ka-lang comfort and ambience – check!
It was a truly mouthwatering, busog-lusog experience, which you can easily try at any of the 18 Kuya J branches. But by the end of 2015, 50 more branches are opening kaya pwedeng pwede nang masubukan for lunch with officemates, merienda with barkada or dinner after magsimba ng pamilya.
To find out more about Kuya J at para huntingin ang branches nila, check out Kuya J’s accounts:
Facebook: www.facebook.com/KuyaJResto
Instagram: @kuyajresto
Twitter: @kuyajresto
Hindi ako kumakain ng tortang talong pero napakain ako ng tortang talong ni kuya J, sarap eh, lasang soshal!
Hay naku! Sana di ko to nabasa. Nagutom tuloy ako at 2:22am! I will try that Kuya J! 🙂