Aminado akong alaskador. At dahil digital na nga raw ang karma, may mga pagkakataong binabalikan ako ng pang-aasar…hindi pala nakakatuwa.
Sa isang dinner with friends, topic kung saan daw magandang magbakasyon sa Bohol – sa Bellevue o sa Amorita.
Friend 1: Mas type ko sa Amorita kasi mas madaming happenings dun. Madaming restos. Pwede mag-nightlife. Sa Bellevue kasi pang-chill chill lang. Tahimik.
Friend 2: Ay, dun ako sa Bellevue kung ganun. Ayoko ng magulo eh. Relax lang.
Papa N: Ako rin sa Bellevue ako.
P: (Tumaas ang kilay ko.) Bakit mo naman dun gusto? Syempre mas ok yung masaya.
Papa N: Bakit pa ko sa maingay pupunta? EH KASAMA NA KITA.
Swabe ang pagkakadali sa’kin dun ah!
Sa opisina naman…
P: Ang cute ni Baste noh? (Si Baste ang super chubby, tisoy at cute na bata sa Eat Bulaga)
Officemate 1: Oo nga!
P: Sana pag nagkaanak kami ni Papa N, ganyan itsura! Kyoooot!
Officemate 2: ABA, DAPAT LAHAT MAGMANA KAY NINO!
Kaibigan ko ba talaga kayo?!
P: Papa N, alaskado ako kanina sa office. Para daw magkaanak ako ng kamukha ni Baste, dapat sa’yo daw magmana lahat.
Papa N: Grabe naman ‘yang officemates mo. Hindi naman kamo lahat. PWEDE NAMAN SA’YO MANGGALING YUNG … WIT AT SENSE OF HUMOR.
P: Yun lang kasi asset ko noh?! Lech!
Truly, karma is digital. And with people like these, baka ako’y maging criminal! ;P
Hahahaha! Thank you for making me laugh again!