Aminin niyo man o hindi, may ginagawa rin kayong ganito…
1. Mejo matagal ka ng naglalakad na may nakaipit sa puwet (wedgie). Pero ang ganda ganda ng outfit mo at nakakahiyang sungkitin in public. Nakarating ka na sa lobby ng building niyo. At sobrang pasalamat mo na lang na walang ibang tao sa elevator…
Note: May CCTV sa elevator.
2. You’re driving nang biglang may naramdaman kang sumasagabal sa loob ng ilong mo. Confident ka na dark yung tint ng kotse mo. Up the finger goes in da nose na parang dumadial ng long distance
Note: Dark nga ang tint mo pero kita ka pa rin sa windshield ng mga nakasabit sa jeep.
3. Kakamadali mo kaninang umaga, di mo sure kung nakapag deodorant ka. Paano i-checheck eh nasa puno kang FX? Kunwari yuyuko, tatakpan ang ulo o aakap sa bag, ibabaling ang mukha, at sisinghot ng tahimik sa kilikili mo.
Note: Nakikita ka ng katabi mong nagseselfie.
4. Nasa bahay ka mag-isa. Ahhh, sweet serenity… Puwedeng jumebs nang naka bukas ng todo ang pinto.
Note: Umabot yung amoy sa kabilang unit.
5. Naisipang mong i-stalk ang ex mo sa Facebook… ok maybe not stalk. Gusto mo lang makita kung gaano kapanget yun bagong kalaguyo nya.
Note: Na-type mo ang pangalan niya sa status mo… Hindi sa search.
6. Nasa FX ka ulit. Ang tagal na sa traffic. Yun nakaupo sa tabi mo parang tuloy tuloy ang pag text. Makikibasa ka na din.
Note: Tungkol sa yo ang tinetext niya
7. Lahat ng surface na nag-rereflect, titignan mo yun sarili mo. Pati sa bintana ng naka-park na koche.
Note: May tao sa loobng koche.
8. Guest ka sa isang house party. Ang ganda nang bahay. Wow, yung banyo mas malaki pa sa apartment mo. You spend the next 5 minutes opening every drawer, checking the labels of the towels, and where did she get that painting she hung by the toilet.
Note: Kasunod mo mag-cr yung may-ari.
9. Umindak at kumembot kembot kapag narinig ang “Shake It Off” ni Taylor Swift.
Note: Nasa terminal ka ng tricycle.
10. Try to make faces and scare away yung batang sobrang kulit at maingay, habang hindi nakatingin yun ina or yaya.
Note: Marunong magsumbong ang bata.
Hahahaha! Panalo ung pang-10! Ginawa ko na yaaaan tas biglang umiyak ung bata at tinuro ako. HAHAHA