Attack!!! Yan na ang bagong motto ni Father Thunder simula nang maglaro siya ng Clash of Clans.
Ang gusto ko lang naman ay may bagong pagkaabalahan ang tatay ko. Gusto ko lang naman mag-enjoy siya. Di ko sukat akalaing aabot sa ganito…
Sa ngayon, wala pang clan si Father Thunder. Kaya kung may kakilala kayong 60 years old pataas, madaming oras at masipag mag-train ng troops, ipagbigay-alam lamang po. Bubuuin namin ang clan na magpapabagsak sa lahat ng ibang clan…ang clan ng mga hindi natutulog….ang clan ng pensionado at madaming pambili ng gems…ang SENIOR CITIZEN CLAN! Malay niyo, makasali at manalo pa sila sa tournament! #LifeGoals ;P
Kulet ni father hahaha! Join ka na sa clan ko turuAn ko po kau mag war mas masaya