Maaga ako umaalis ng bahay para makaiwas ng traffic pero late na rin ako nakakauwi dahil… ano pa, traffic.
When I get home, my routine is to help Addie with her homework then play. Buti nalang mahaba ang nap time ni Addie sa hapon kaya mejo late siya natutulog sa gabi. 🙂
Last week, naglaro kami ng “Pulis, Pulis.”
Kami ni Addie ang pulis at Daddy niya ang criminal. (Wala siyang pulis costume, pero may Captain (America) Addie costume siya salamat kay Tita Kate :P)
May chase scene pa kami… eh ang liit lang ng kuwarto namin. Pero pursigido si Addie hulihin ang criminal na Daddy.  After ng habulan, nahuli na naman at last ang criminal. Tinali namin ang mga kamay at paa ni Daddy gamit ang mga kumot para di makatakas.  Nung di na makagalaw si Daddy…
Addie:
We got him, Mommy!
Go get his wallet! His wallet!!!
Natulala kami ni Papa O.  Di ko alam kung akala ni Addie kami ang criminal o… Anyway, nalito siya at nilinaw ko naman na ang lahat 😛
i laughed so hard!si Addie talaga ang nagdala ng pulis,pulis! hahaha
Baka naman kasi kailangang makita ang identification. Hehehe.
Puwede! Or bibili ng inumin kasi hiningal sa kakahabol 😛