A few weeks ago nagpunta kami ni CJ sa Baguio for a little R&R. May nagmabuting loob na patuluyin kami sa Baguio Country Club (Salamat Nins) so gora kami kahit wala talagang plano.
At dahil walang plano, Trip Advisor to the rescue! After extensive research, napag alaman namin ang isang bagong hang-out sa Baguio — ang Baguio Craft Brewery!
May bagong craft brew craze sa Pilipinas ngayon. May mga sarisariling microbreweries na nagsusulputan at gumagawa ng sariling beer na ang mga tao. Depende sa panlasa, depende sa trip. Ganyan ang Baguio Craft Brewery — and they make it gooooood.
Ang masaya pa sa BCB eh yun mga servers nila alam na alam yun sineserve nila, hindi yung tatangahan ka lang at iintayin ka mag order. Malay ko ba kung anu-anong beer yun nasa listahan nila eh imbento nila yun mga yun! Tatanungin nila kung ano ba panlasa mo, and magrerecommend sila ng IPAs, lagers or pilsners. Ang galing lang nila ate…
And dahil nagsama parehong (responsableng) tomador, we started with an appetizer, ABV brews of about 7% then built our way up to the Zigzagger which had 10%. And may I just say, Zigzagger is the most proper name for that drink. It was such a trip drinking it, flavorful, a little sweet (like how Pinoys like it) with a touch of bitterness (dahil kailangan minsan may hugot) and a finish that actually leaves you wanting for more. So medyo zigzag din lakad mo pag pauwi ka na…
Ang prices, reasonable naman, especially for microbrews. Ang maganda pa dito, nakakasuporta ka sa kapwa mo Pinoy, mga maliliit na negosyante mong pwede ituring, na may mga empleyado ring nagsisikap lang lahat. Plus, ang daming choices.
So next time you’re in Baguio, daan kayo sa BCB. And please…sama nyo kami.
Leave a Reply