Kaunti lang ang kalaro ko noong bata ako. Na-kwento ko naman sa inyo dati na ayaw ako palabasin masyado sa bakuran namin. Sa katunayan, kailangan pa magpa-softdrinks ng Lolo Ted ko, magkaroon lang ako ng neighborhood “friends”. Malaking factor siguro sa pagka-loner ko yung parati kasi akong naka-velvet na bestida na may lace details. #MukhangTanga. Tingin niyo? ;P
Anyway, itago na lang natin si friend sa pangalang Nina. Ka-edad ko siya at ilang kembot lang ang bahay niya sa bahay ko. Mabait ang mga magulang niya pero medyo Afraidy Aguilar ako sa lola niya, lalo na pag mainit ang ulo. Naninigaw kasi yun.
Isang araw, napagkasunduan namin ni Nina maglaro ng Barbie. Dadalawa lang ang Barbie ko noon at isang Ken. Isa lang ang binitbit ko. ‘Yung pasalubong ni Kuyakoy na naka-bathing suit at may kasamang swimming pool. Tamang tama, summer.
(Photo from eBay.com)
Pagdating kina Nina, agad kong hinanap ang hose nila para punuin ng tubig ang mini-swimming pool at agad na nilublob si Barbie. Nilabas din ni Nina ang sarili niyang Barbie at nag-girls’ day out na ang mga manika! Enjoy na enjoy kami! Mamaya-maya, nag-swap naman kami ng Barbie ni Nina nang may bigla akong napansin…
(Photo from pinterest.com)
Alam mo itsura ng buhok ni Barbie diba? Karaniwang blonde tapos kumpol-kumpol kaya may malalaking space sa anit? Well, sa isa sa mga puwang na ‘yun, may napansin akong itim na gumagalaw. Kinulikot at hinabol ko ang itim na mazerunner sa anit ni Barbie at nang ma-corner ko siya…INAAAAAAY! KUTO!!!
(Photo from kalusugan.ph)
Nabitawan ko ang Barbie ni Nina sa gulat!
P: May kuto ang Barbie mo!!!
Nina: Hahaha! Nilagyan ko talaga ‘yan galing sa buhok ko.
P: BAKEEEEET?!
Nina: Para makatotohanan atsaka para pareho kami ng Barbie ko. May kuto ako. May kuto rin si Barbie.
Kumunot ang nguso ko sabay atras ng ulo ko. Agad ko kasing na-imagine na mag-aala-Spiderman ang kuto at lilipat sa anit ko. Juskelerd! Kung gusto ni Nina gawing makatotohanan at kamukha si Barbie, pwede namang niyang lagyan ng nunal o double chin. Pero KUTO?!?! Juskelerd!
‘Yun na ang huling playdate namin ni Nina. Di na naulit. Na-praning din kasi si Aling Curing (yaya ko noon) kasi siya ang mamomroblema kapag nagka-kuto ako eh. Kaya di na niya ko pinabalik dun.
I miss Nina. Pero ‘yung Barbie niya, hindi.
Instead of “Share the Wealth”, “Share the Kuto”! hahahaha
Velvet dress plus lace,d naman mukhang tanga, pang-santo nga eh!
Ewwrrr… Hahaha… Asan na kaya si Nina ngayon.