May humingi ng tips sa TSN kung paano mag-mukhang payat sa photos. Aba, madali lang yan!
TIP NO. 1: Gawing best friend ang crop option.
Kagaya ng sabi namin sa How To Make Your Photos More Soshal, best friend ng mga hindi ala Kim Chiu ang katawan, tulad ni D, ang crop option.
With proper cropping, kasing liit na niya si Kim Chiu…
O ng ulo niya.
–
–
TIP NO. 2: Ipang harang ang mga kasama.
#That’sWhatFriendsAreFor
–
–
3. The top view technique comes in handy para iwas double chin.
Kesehodang puro sahig ang background mo.
.-
–
4. Lean forward at ilabas ang collarbone.
Eh ano kung lumabas na litid sa leeg mo sa paninigas.
Bottomline, mukha kang skinny.
–
—
5. Mag-pout na tipong nagpipigil ng tawa o pa-sexy. Highlight your cheekbones!
Kung di kinaya ng pag-project, maglagay ng eyeshadow sa pisngi for more contour.
#HappyHalloween
–
–
6. Create an illusion.
Yung arms, ilayo sa torso. Ang puson, ilayo sa camera.
Di baleng mukhang tanga, mukha naman payat.
–
–
7. Pumunta sa kabilang dulo ng kabisera.
Eh ano naman kung di ka na mamukhaan sa photo.
Hayaan mo na yung mga legit payat ang nasa harap. Trust us!
—
–
8. Tumabi sa mas mataba sa ‘yo.
Kung friends talaga kayo, di siya magagalit sa ‘yo. In the same manner, kapag ikaw ang parati tinatabihan ng friends mo sa picture, #AlamNa 😛
–
–
9. Ikubli ang nagmumura at naghahagdan-hagdang palayan mong tiyan…
Kung walang bag, gawan ng paraan!
–
–
10. Mukha kang malaki sa photo? May app para diyan.
–
Download INSTASIZE app.
At voila, maliit ka na!
–
Kung tutuusin, wala namang masama kung malapad ang braso at naka-usli ang puson. Di yan kailangan ikahiya. Remember, love yourself, love your body. Oo, di lahat tayo sing-sexy ng Coke bottle. Pero lahat tayo, pwedeng mag-feeling model. 😛
For more tips:
Hahaha. Pout to the max. I know someone. Hahahaha. Dito nya ata nakuha mga pang posing at profile photo nya.
Bwahahaa!!!!
Sa malalim na tagalog: Napabunghalit ako ng tawa sa contouring ni Ms. Domesticated. Grabe, wala akong nagawang trabaho ngayong umaga kundi magback read ng posts. Ang dami kong backlog sa posts nyo.
Nakaka tuwa yung mga tips. nakaka inspired rin hehehe
Sana gumawa kayo ng book!!
anak ng.. lakas ng tama! lol! isasaulo ko lahat ng tips na natutunan ko dito. pramis. haahahaha…
E yung tumawa ako mag-isa sa opisina habang nakita ko yung contouring ni Ms. D tapos nagtinginan sila lahat sakin? Nagkunwari na lang ako inubo. haha! I love you super!!! TSN 🙂 Super funny nyo ever! Keep it up.
same. di ko kinaya and contouring.
suck in your cheeks, do the 3/4 pose ( naka oblique) para ma oblong ang mala platong mukha!