Sa pamilya namin, kami ni Mother Earth ang palabiro, bungisngis at kwela. Itong aking tatay a.k.a. Father Thunder, taga-tawa lang…yun ay kung matawa siya at all. Medyo serious at kakaiba kasi ang sense of humor ni Father kaya either di niya gets ang joke namin o hindi namin gets ang joke niya (sa mangilan-ngilang beses na sumubok siya mag-joke).
Pero lately, napapansin kong nag-iibang anyo na siya…
Sa kalagitnaan ng kilig namin ni Nene sa teleserye…
Father: ‘Yang mga love team na ‘yan, pansin ko lang, parating mas pogi ang lalaki kesa maganda ang babae. Tignan mo ‘yan (si Nadine), di naman kagandahan pero ‘yung lalaki napakagandang lalaki (yes, ‘yan ang kanyang exact words to describe James Reid).
P: Sobra ka naman, daddy. Maganda rin naman si Nadine.
Father: Isa pa ‘yung AlDub. Di rin masyado maganda yung babae pero yung lalaki, mukha nang babae sa kaguwapuhan. Pati yung pinapanood niyo sa PBB (Miho – Tommy loveteam), ganun din! Kaya ikaw, Camille, yung pangarap mong maging artista, sinusuportahan na kita.
BOOM!
P: So pangit ako???! Ganun???!
Father: Hindi ko naman sinabing pangit ka…Sabi ko lang di ka gaano maganda.
P: Sobra ka!!! Tatay ba talaga kita?!
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Dadalawa na nga lang ang obligadong magandahan sa’kin eh – Nanay at Tatay ko. ‘Yung isa sumalangit na. ‘Yung isa, ayaw pa. #Saklap
Pero bumawi naman si Father Thunder…
Father: Joke lang, anak. Para sakin, artistahin ka naman talaga…kasi nadadaan naman sa talent at sense of humor ‘yan eh. ‘Yun marami ka.
So in short, wala talaga akong ganda. #PengengBlade
Daddy, balik ka na lang ulit sa serious. Parang mas ok eh. 😛
maganda ka tiya. caramel skin parang lecheplan. pilipinang pilipina