Ililipat na namin si Addie sa big school. Yun eh, kung pumasa siya sa entrance exam. Sana sana! Gusto kasi namin itong school na ito kasi co-ed, Catholic school and malapit lang sa house namin.
Before the day ng exams, may pre-exam visit to familiarize the child sa environment. For me, it was a good idea kasi may mga batang natra-trauma sa bagong lugar. At kahit na matalino at ready na ang bata mag-aral, if di siya comfortable sa lugar, hindi rin siya makakasagot ng maayos sa exam.
Nung araw ng aming pre-exam visit, kakagaling lang ni Addie sa sakit. Pero gusto niya pumunta sa big school so tumuloy pa rin kami. Pinaupo muna kami sa lobby kasama ang ibang mga parents at kids habang hinihintay ang iba.
Maya-maya, si Addie biglang tumayo at pumunta sa likod.
Wala pang 2 minutes, bumalik at may kasamang batang lalake na naka-HOLDING HANDS!
Parang ganitong eksena lang…. (pero ibang bata naman)
Take note, dun lang na-meet ni Addie yung batang lalake.
Sa all girls school ko nalang kaya ito ipasok??
para syang si emery ng fresh off the boat, first day of school may karelasyon agad!
hahaha, natawa ako nito. i remember during my daughter’s pre-school days; a boy went to her, hugged and almost kissed her! naloka ako nahirapan ako i-explain bakit hindi pwede, lol…
Hahaha! Kaloka! Kung sakin mangyari yan, magwawala ako! Lalabas ang pagiging manang ko! ๐
Hi D,
I’m always looking forward sa articles mo especially when it’s about Addie. I also have a little girl turning 4 kaya relate na relate ako sayo. I want to have an idea how other moms handle their super hyper dalaginding.
Personally, never kong naconsider na ipasok sa all girls school ang mga anak ko. I want them kasi na masanay din with boys around lalo pa wala pa kaming baby boy.
Thanks for your informative and funny articles ๐
Wena
Same here! Actually, I also want to know how you handle your princess, or how she handles you? Hahaha! Minsan kasi inuuto na talaga ako ng anak ko ๐