Sa Boracay ko na-confirm na Tita na ako.
Nagpunta kami ng ilan sa officemates ko sa Boracay for a training seminar. Most of my officemates are younger than me and quite excited to be in the island and sample the Boracay experience. I have been going to Boracay since the 90s so… I have sampled quite a bit of it by now.
Ibang iba na ang Boracay ngayon mula sa Boracay ng aking kabataan. Grabe development, commercialization at congestion ng establishments. Pero ang beach, there is really nothing like Boracay sand and water. The waters are still ice-blue (if you come in the right season), the sand is talcum soft and never gets hot. It is not a wonder why Boracay has consistently been ranked as one of the best islands to visit in the world.
We stayed at Boracay Uptown. It’s a substantially sized compound, right in the middle of Station 2, and beside D’Mall. It is right by the beach, and it has restaurant concessionaires that set up for dinner right on the sand. They have Bo’s Coffee downstairs too (Salamat po Panginoon sa maayos na kape), which I found essential to make it to my early morning call time at the seminar.
Pero kilala ang Boracay para sa nightlife din nito, if not more so. Meron ngang kasabihan na “What happens in Boracay, stays in Boracay.” Nakakatawa sa iba, pero para sa mga taong may na-“experience”, mas minamarapat nilang panindigan ‘to.
Can I just say, itong huling bisita ko sa Boracay ay totally uneventful. Ang pinaka-highlight ng labas ko ay ang manood nung Fire Poi dancers sa gabi.
Sinubukan ko din ng isang gabi makipagsabayan sa mga kids at tumambay sa Epic, pero by Cinderella time, umexit na ang Tita nyo sa takot na maging kalabasa.
Maganda din kasi yun hotel room namin, and maganda ang mga amenities ng Uptown. (http://www.boracayuptownresort.com/) Medyo olats lang yun fact na walang service water sa room, pero asahan nyo na sa Boracay, mas pinapahalagahan ang tubig. Mahal ang bottled water mga friends. Service, mga 4 out of 5 stars. Amenities, let’s say 3.5 stars. Rooms 4 stars.
So nagsunset viewing ang lola mo, kumain ng hipon at nagka allergic reaction na naman, lakad lakad sa beach, lumanghap ng sariwang hangin, dumawdaw sa tubig sandali at nanood ng movies sa hotel room. Relax lang, pero masaya pa din.
Salamat Boracay. Sa uulitin.
Leave a Reply