Naisulat ko naman na dati kung paano inagaw ni Geneva Cruz ang love of my life at line to heaven kong si Paco Arespacochaga ng Introvoys. Ang sama ng loob ko nung naging sila. Ako dapat yun eh…(kahit 15 years old lang ata ako nun)
Sa sakit na naramdaman ko noon, lahat ng “memories” namin ni Paco, binaon ko sa limot (meaning, sa kasuluk-sulukan ng kwarto namin). At ngayong naglilinis kami ng bahay, muling naungkat lahat…naungkat lahat ng sakit, poot at pighati…naungkat din ang mga litratong ito…
Naka-frame pa amp!!!
Hiwalay na sina Paco at Geneva, pero ang hapdi pa rin….
Ang hapdi hapdi pa rin…
😜
kapatid cia ng ofismate ko. nasa US cia now at single? pntahan naten? nyahahaha
ay teka lang ha?una siyang naging akin!
Talagang sa diyaryo mo ginupit ang picture ni Paco. Pero, huwag ka mag-alala, makaka-move on ka rin naman.. Tapon mo na kasi para huwag nang bumalik ang hapdi.. lol! 😉
maghunosdili ka, me bagong papa kana no?
ahahahahahaha infer, pang under the sea ang peg ng love story niyo 😛