Nasanay ako sa luto ni Mother Earth na pinamana niya kay Nene. Paborito kong putahe ni mudra ang sinigang na baboy, adobong manok sa gata at seafood curry. Pag yan na ang ulam, ayayay, #BukasNaAngDiet at #RicePaMore! Pero lahat naman ng putahe, kahit memorize mo na ang lasa, pwedeng pwede pa ring bigyan ng kakaiba at bagong twist. ‘Yan ang natutunan ko at the Alaska Merry Cremas Festival held last November 29 at the Trinoma Activity Center.
ANG DAMING FOOOODS!!! Nalula ako sa dami ng concessionaire booths, each presenting a special dish featuring Alaska Crema All-Purpose Cream.
Alam ko iniisip niyo, kapag all purpose cream ang pinag-uusapan, fruit salad at dessert lang ang kadalasang pwede gawin. Totoo naman, ang sasarap ng natikman kong desserts tulad na lang ng…
Yema Cake
Salted Caramel Panna Cotta (Shala!)
at ang very Instagram-worthy Vanilla Crepe Cake
Pero maliban sa sweet treats na ‘yan, nagulat ako sa variety ng savory dishes na pwede palang haluan ng Alaska Crema All-Purpose Cream! Imagine, ang paboritong putahe ng mga mayayaman (di tulad namin) na Rellenong Bangus, pwede palang mas sumarap at gawing mas espesyal with Alaska Crema All-Purpose Cream. At dahil lasang “Penge Pa” siya, hindi ako nakuntento sa free taste, napabili talaga ako!
Makalat man kainin, ngunit sarap simutin! ‘Yan ang Ground Beef Soft Taco na natikman namin ni Papa N.
Ang rice ay nakahanap din ng perfect partners with the Creamy Beef Mushroom at Chicken Curry na ginamitan ng Alaska Crema All-Purpose Cream instead of gata. Pwede pala yun?!!!
Magpapahuli ba naman ang pastas sa eksena with the Vigan Longganisa Carbonara and Baked Penne Pasta with Creamy Cheese Sauce.
And perhaps the most interesting dish we saw at the Alaska Merry Cremas Festival was the La Paz Batchoy and Penang Laksa na oo, may Alaska Crema All-Purpose Cream din!!!
Mantakin mong ang dami palang pwede gawin sa Alaska Crema All-Purpose Cream maliban sa nakagawian kong fruit salad? Pag-uwi ko nga, agad kong binilin kay Nene na subukan ang specialty ni Mother Earth na Seafood Curry using Alaska Crema All-Purpose Cream. Something tells me (at mukhang tiyan ko ang nagsasalita) na magiging hit ito sa pamilya ko. Kung pwede namang gawing mas espesyal at soshal ang Pasko, bakit hindi? Have a Merry Cremas mga kasoshalan!!! 😉
Follow Alska Crema on:
Facebook: https://www.facebook.com/AlaskaCremaMoments/
Instagram: https://www.instagram.com/alaskacrema/
Uy, mukhang masarap nga. Sige, try natin yan.. salamat dito P.