photo from sparkexperience.com
Christmas rush na talaga! Tapos na ba kayo mag-shopping? Ako hindi pa. Kahapon palang ako nagsimula at habang nasa mall, narealize ko na di ko alam kung ano gusto ng pamilya ko ngayong Pasko.
Una kong tinanong kapatid ko.
Me: Ano wish list mo?
Ate: Blouse, sandals or makeup.
Okay, madali lang yun. Alam ko naman taste niya.
Sunod si Daddy
Me: Ano wish list mo?
Daddy: Kahit ano.
Okay din, walang expectations.
Sunod si Mommy
Me: Ano wish list mo?
Mommy: Mas malaking hoop earrings dun sa pang everyday ko. Sa ATC, may Miladay at jewelry shops na malapit sa Fully Booked na mukhang affordable naman.
Wow!
Hindi specific ang Nanay ko. Wala siyang ka-ide-idea ng gusto niya. 😊
The best si Mother, hindi ka lang binigyan ng idea, pati kung saan bibilhin binigay na rin nya! And take note, pati yung budget mo, na consider na rin =)
For me, pinakamahirap bilhan ng regalo yung “kahit ano” at lalong-lalo na yung “wag ka na magbigay, wala naman akong kailangan”.