Naikuwento ko dati na ililipat ko si Addie sa big school. Thank you, Lord, at nakapasa siya ng exams. Addie is moving to the big school na next year!
Hindi ko actually alam kung bakit excited ang anak ko lumipat sa big school. Mas excited siya sa akin. In fact, naging motivation niya ang big school. Katulad noong nagkalat siya ng toys sa sala at iniwan pagpunta niyang kuwarto. Sabi ko, “only boys and girls who know how to put their toys back into the toy box can go to the big school.” Dali dali siyang naglipit ng kalat.
Tapos nung day ng exams, may sakit si Addie, as in ubo ng ubo. Pero gustong gusto niya mag-exam. She can do it daw… Confident! After lumabas ang results ng exam at sinabi ko sa kanyang she passed, sobrang saya niya! Gusto na pumasok sa big school kinabukasan. Atat lang?!
Naisipan ko na tuloy tanungin siya…
Me: Addie, why do you want to go to the big school?
Addie: So I can study….
AND BE A NINJA!
Dedz!!
hahaha ang lupit talaga ng batang makulitzzzz 🙂