“Kinakant***t ng malas.” ‘Yan ang tawag ng officemate kong si Nepo kapag lahat ng hindi dapat mangyari sa araw mo, nangyayari o lahat ng gusto mong mangyari, kabaliktaran ang nagaganap. In short, tila pinaglalaruan ka ng tadhana.
Kahapon, nangahas akong mag-jogging sa Legaspi Park. Matapos ay bumalik na sa opisina para magligpit ng gamit nang may naramdaman akong pambihira at kakaiba…pambihira at kakaiba dahil constipated ako. (Gets?) Pero kumbaga sa bunga, hindi pa hinog. Kaya hindi ko muna ito pinansin. Naisip kong hindi naman traffic kaya aabot pa hanggang bahay.
It was an error in judgment on my part. Bakit?
Mula Amorsolo Street sa Makati…Pasong Tamo…hanggang EDSA at Macapagal, lahat ng traffic light na dinaanan ko PULA!!! Anak ng %&$#@!
Source: www.telegraph.co.uk
Pinatikim ako kung paano manganak. Padalas nang padalas ang “contractions”. Every 15 minutes, naging 10 minutes, 5 minutes hanggang mahigpit na kong nakakapit sa manibela. Bakit ba kasi habang palapit nang palapit, pahirap nang pahirap pigilin ang bugso ng damdamin??!
Papasok ng BaCav, nagdasal na ‘ko. “Lord, maawa po kayo sa akin…at kay Atekupungsingsing na tiyak na magdurusa kapag inabot ako sa sasakyan…at kay Roel na mapipilitang maglinis ng kotse…at kay Aling Tess na aming labandera.”
Papasok ng main road pauwi, sa gitna pa ng kalsada nagsasakay ng pasahero ang mga jeep. Nakakatuwa lang. Take your time mga pre!!! Leche!
Finally, nasa kanto na ko ng bahay namin nang nakita ko ang tanging ray of sunshine sa biyaheng ito – si ROEL! Agad ko siyang binusinahan.
P: Roel, kaw na magpasok sa garahe please. Tatakbo na ko!
Roel: Bakit?
P: KAILANGAN KO NA MAG-BANYO!!!
Ayun, umabot naman. Ang natutunan ko?
- Sa lahat ng pagkakataon, maging handa.
- Ang pwede naman gawin ngayon, wag nang ipagpaliban.
- Manalig sa Diyos.
“The best way to keep something bad from happening is to see it ahead of time… and you can’t see it if you refuse to face the possibility.”
― William S. Burroughs
Langya. Para akong tanga sa kakatawa dito sa doctor’s lounge . wapakels na pinagtitinginan ako mula sa labas
this happened to me too P! from alabang to san pedro, naka pag drive ako within 15 minutes! lahat ng pedeng singitan sa traffic ginawa ko! pagdating ko sa bahay, binunggo ko lahat ng nakaharang na gamit tsaka mga tao (boxed out ba), para makapasok agad sa cr! =))))
Haha buti umabot ka Miss P! Ako naman before from Boni Ave mejo naiihi na ako kaso tinamd na ako mag banyo,so way ko is Boni Ave to asan Juan to Tondo.. so ito na, pag dating ng San Juan nawala ung sakit ng pantog ko.. nung umabot na sa may Sta. Mesa mejo naiihi ulet ako, nung umabot sa divisoria mukhang unti nalang tutulo na.. hahahaa pero sabi ko kaya pa. Dali dali ako sumakay ng jeep to Moriones Tondo.. hala pag baba ko sa may kanto namen tumulo na.. ang dami dami di na kinaya hahhapag dating ko sa may gate sabi ng biyenan ko, anak bat ang panghe mo? Hahahahahaha
Binasa ko kay Father Thunder ang comment mo, hagalpak kami ng tawa!!! Salamat sa pag-share. Pinasaya mo ang umaga namin!
Hindi soshal ang topic na ito
kahit pa nakaka-relate ako
Gaya ng aking anak
Sa gloryeta nagtambak
Sapagkat bahay namin
Isang oras pa tatahakin
Kamuntik ng umapaw
Ang pobreng toilet bowl
(Miss P, ang anak ko batch-mate mo sa Zobel)
How about a topic on how to pa-soshal at reunions – family, school, ex-office, etc
Wow, madam! Sino po ang batchmate ko? Siya rin po ba ang nagsabog ng lagim sa Gloryeta? Hehe. Naku, magandang suggestion po yang pa-soshal sa reunions…magawa nga po yan.