Minsan, iniisip ko din medyo masaklap pala pag mahilig magluto ang boyfriend/asawa mo. Mas masaklap dahil ako walang self-control.
Si CJ, na syang toca sa maliit naming restaurant sa Morayta, ang Flippin’ Cow, ang palaging may naiisip na kung ano anong bagong “fusion food”. Ang latest na imbento nya ay ito:
Flippin’ Ice Cream Sandwich
DEEP FRIED Slider Bun with Cinnamon and sugar for some crispy goodness.
THEN sandwich the Cheese Ice Cream & drizzle with Strawberry Jam and butter sauce 😉
At hindi lang yan … Nakaimbento sya ng Cinnamon Chips na paboritong snack ngayon ng mga college kids.
Pero madami pa din ang may type sa Adobo Tacos and ang best selling na Breakfast Burrito (made up of eggs, bacon, potatos, beans, our homemade salsa verde and some secret ingredients – actually hindi ko na lang din alam kasi nilalamon ko lang sya agad…)
Bumili ng bagong industrial fryer… at ngayon meron na syang chicken wings din. He made the traditional buffalo wings, but of course there had to be some Asian flare, so merong Terriyaki wings, Honey BBQ and Garlic Parmesan – all with roasted sesame seeds which makes it kakaiba sa panlasa.
Eto talaga ang panira sa diet. Dati rati, sliders lang ang ginagawa, eh ngayon gumawa ng ¼ Pounder Patties. Tapos, yun iba inoorder double patty. So… ½ Pound of steamed beef and bacon patty ang tinitira.
Ang pinaka favorite ko so far ay ang Chorizo Burger. Ginagawa ni CJ ang chorizo from scratch… as with most of the food that Flippin’ Cow serves. Sariling imbentong recipe. With his own special sauce. Medyo maanghang, na matamis, na maalat, na masarap.
Nakakataba ng puso pag may mga customers na nag-iiwan ng notes for us. Linagyan nga kasi naming ng chalkboards lahat ng tables para pagkaaliwan ng mga tao. Mostly, nakakakuha kami ng mga encouraging messages and raves about the food. Salamat po sa pagtangkilik. Sana tuloy tuloy ang negosyo…haha!
Lahat yan, ako ang quality control, i.e. taste tester. Hindi na po ako nagbabalak na makapag bikini this summer. Tatanggapin ko na lang po na ganito na ang buhay ko: Medyo mataba, pero masaya.
Hi S,
Gusto ko din visit FC kaso I’m residing in Laguna and very seldom lumuwas ang taga bundok. Very appealing ang food photos! natatakam ako. I hope you’ll think about having a branch here in Sta. Rosa area (Nuvali or Pase de Sta. Rosa).
Pero sana wag mo pabayaan ang sexy body mo. I’m looking forward sa mga outfits mo eh. 🙂
Weng