Nung exams ni Addie last week, pinilit ko talaga makauwi ng mas maaga from office para maka-study kami. Oo, pre-Kinder palang si Addie pero gusto ko kasi matuto siya ng good study habits ng mas maaga. Masipag kasi ako mag-aral nung bata pa ako. Strict ang mommy ko. Pagka-6:00 ng gabi, bawal na kami manood ng TV. Kailangan matapos namin lahat ng assignments namin at dapat tulog na kami by 9:00 p.m. Gusto ko ganun din si Addie.
Kaso hanggang 10:00 nag-aaral kami. Ang hirap kasi turuan ang batang mas magaling pa sa libro…
Me: What’s that? Solid liquid or gas?
Addie: Solid.
Me: No, it’s liquid because that’s toyo.
Addie: The bottle is solid. Matapon yung liquid kaya.
————–
Me: Addie, this is a box. Why did you put liquid?
Addie: It’s open kasi. I thought they are going to put water.
——–
Me: Okay, it’s time to study land formation. What’s this?
Addie: It’s a plain.
Me: Okay, write it down.
Addie: (Writes P-L-A-N)
Me: Ano yan? That’s not plain. That’s plan.
Addie: See Mommy, I know how to spell Plan.
———
Sumuko ako. Dinaan ko nalang sa dasal ang exams ni Addie. Pero laking gulat ko ng binigay ni Addie sa akin ang programme nila para sa kanyang Recognition Day.
Most Kind and Outstanding Student.
Most kind talaga???
Hindi ba Most Pilosopo?
Walang duda… Mana talaga sakin anak ko. 😛 love you, Addietot!
“Boxed water is better”
Congrats!
Tumpak Addie! Baka nga naman lagyan ng water ang box. ;-)))
HAHAHAHAHAHAHA Addie, sobrang cute mo!
lol!!!! congrats addietot! we miss you!
Most Kind Outstanding Student– sa mga magagaling, sya ang pinakamabait! Da best award!:-) Sa tingin ko, when Addie goes out to the real world, sya ang magwawagi! Baka maging lawyer din. Ok din wag lang politiko (kahit mukhang kaya niya!:-)) Love reading your posts especially on Addie.:-)
Thanks, Milen! 🙂 Ang galing ni Addie mag-bait baitan sa school 😛 Tinanong ko siya kung gusto niya maging lawyer. Sinagot ako… “No, because I don’t know what a lawyer does. What do you do ba, Mommy?” Hahahaha!
Hi D and Addie,
ambilis mo lumaki Addie! at ang pretty! love the chinita eyes from mommy. I hope to meet you in person. Usap kayo ng anak ko, Almost same with your age. Mahirap din turuan, pag kinocorrect ko, mali daw ang turo ko. Mas tama daw sya. Try nya sabihin yun sa teacher nya, goodluck to her.
D, I hope TSN girls can have an annual get together with their followers. Kahit potluck sa handa, syempre soshal tayo kaya dapat potluck ;). I bet marami kami who wants to meet you girls in person.
Hi Rowena! Sige, planuhin namin yang get-together. May pumunta kaya?! Hahaha! Gusto namin yang potluck!
Sana nga mag-meet ang mga anak natin soon! Mabuhay ang mas marunong pa sa libro at teacher 😛