Alam niyong fan kami ng KathNiel, Jadine at Aldub. Wala kaming pinalalampas na pelikula ng mga bagets na ‘yan. Sino ba naman ang ayaw sa good vibes at kilig?
Pero minsan, may dumadating na pelikula na, kakaiba man sa panlasa at hindi mo pangkaraniwang aantabayanan, alam mong hindi mo pwedeng palampasin dahil tiyak na pagsisisihan mo. Lalo na pag kasama si MADAM NORA AUNOR.
Nora Aunor plays the role of Zeny Roblado in the suspense thriller “Whistleblower”, together with Cherry Pie Pecache (Lorna Valera), who plays a key role in the corrupt organization at tiyak na kaiinisan niyo…
and Angelica Panganiban (Teresa Saicon), the reporter determined to expose the truth.
We were fortunate to have been invited to a private screening of the movie at ang masasabi namin – MAHUSAY!
Mahusay ang pagkakasulat. Well-researched at very relevant considering ang mga kaganapang pulitikal sa bansa ngayon.
Mahusay ang musical scoring. Hindi overdramatic but just enough to elicit excitement.
Mahusay ang story development. Fast-paced to keep you on the edge of your seat but without compromising the narrative.
At siyempre, wala kang itutulak-kabigin sa husay ang mga gumanap. The main cast, along with Laurice Guillen, Ricky Davao, Carlo Aquino, Anita Linda, Ina Feleo, Leo Rialp and Lloyd Samartino gave exceptional performances. Titigan pa lang nina Nora at Laurice, kinilabutan na ako. Promise!
It is a must-see for all Filipinos not only for its entertainment value, but also because it is a glimpse of our history as it happens today. ‘Yung nakapagpapaantig hindi lang ng damdamin kundi pati rin ng kamulatan. Ang takeaway namin mula sa pelikula? Ito…
Na ang mundo ng korupsyon ay tunay na mapanlinlang. Ngunit di lahat ng panlilinlang, gaano man ito kahusay itago, ay mananatiling lihim. Meron at merong makakalam. Meron at merong makakakita. Ang tanong na lamang, meron at meron bang magsasalita? May tao mang gusto magbunyag para sa pagbabago, wala siyang magawa. Kaligtasan ba ng pamilya o ang katotohanan? Paniniwalaan ba siya ng publiko o hindi? Paniwalaan man siya, may kahihinatnan ba? Ilan lang yan sa mga dapat timbangin ng isang WHISTLEBLOWER.
Catch “Whistleblower” in theaters nationwide starting April 6, 2016.
Bilang patikim sa maintrigang mundo nina Zeny Roblado at Lorna Valera, panoorin niyo ang trailer.
For more information about the movie and the cast, visit the following:
Website: http://whistleblowermovie.com/#main
Facebook: https://www.facebook.com/whistleblowermovie/
This is the answer to a dying movie industry !!!!
Casting coup kung maituturing ang “Whistleblower”somewhat similar to the “Flor Contemplacion Story” .Sana pag dating sa Box Office sana mapantayan o kayay mahigitan ito.This will encourage new breed of film makers and the veteran like Ms. Nora Aunor,Cherrie Pie Picache,Laurice Guillen and new generation of star like Angelica Panganiban and the rest of the cast to make more quality film like Whistleblower.Good Luck to Direk Adolf Alix and to the entire team of Whistleblower.Wish you all the BEST!!!
inspiring ang review
ang masasabi ko lang WOW…nakakahindig balahibo…trailer palang ha! GRABE na…papano pa kaya yung boung pelikula…kaabang abang talaga…
movie of the year ganda ng casting siyempre ang story
Wow. Powerhouse casting. At mukhang may laman talaga, hindi puro patweetums. Eto yung dapat pang Film Fest na totoo, hindi yung..nvm.
Thanks for the review! Will definitely support this.