Summer na!!! Handang handa na kaming magtampisaw sa dagat. Handang handa na kaming magbilad sa arawan. Handang handa na kami mag-enjoy! Isa na lang ang hindi handa…ang aming katawan.
Para sa tulad naming hindi confident sa kanilang “beach body”, eto ang naisip namin…
–
1. Parati magsuot ng salbabida.
Para clear na salbabida ang nakikita nila, hindi bilbil mo.
–
–
2. Magbabad sa tubig.
Kesehodang manguluntoy na ang mga daliri at mamutla na ang nguso sa alat, ‘wag ka aahon. Sana lang wala silang underwater camera.
–
–
3. Dumapa sa buhangin, ilagay ang mga kamay sa baba habang nagpapa-cute at itaas ang legs sa likod.
Mukha mo lang nakita, natabunan mo pa ng kamay ang matatambok mong pisngi.
–
–
4. Sino’ng may sabi na ang layering… ay pang-winter lang?
Rash guard, bathing suit, scarf, shorts at tuwalya. Lahat na ipatong mo.
-ao
5. Magsuot ng malaking hat.
Hindi man kita ang “beach body” mo, di rin kita mukha mo.
–
–
6. Ipabaon sa buhangin ang katawan….
http://www.thesun.co.uk/
tapos ihugis na sexy.
–
–
7. Kung di mo keri ang one-piece mo…
–
Pwes gawing two-piece…
#themoreputolthemoresoshal
–
–
8. Wag na mag beach…
basain ang ulo sa gripo at mag-selfie na lang.
––
9. Bring the 90s sexy back!
T-shirt, shorts at mag-pose sa rumaragasang tubig.
NOTE: To pull off this look, malaking tulong kung kamukha mo si Nini Jacinto, Ynez Veneracion o Ana Capri. 😉 #PilaBalde
_
_
–
10. Kung ayaw mo ng 90s #PilaBalde, eh di balik tayo sa 80s.
#AngPinakamagandang
BabaeSaBalatNgLupa
––
Sa ganang amin, sino ba namang ayaw sa pang-Century Tuna Superbods na katawan?
Ang kaso, eto ang biniyayang katawan samin eh kaya ieembrace na rin namin ‘toh in all its puson, bilbil and cellulite glory! Kaya walang pwede maging balakid sa THE BEST SUMMER EVER!
Kamukha ni atty provinciated si ana capri 🙂
True!!!
I’ve always been a fan!!!
Hahahaha! Nice article. Ang gaganda po ng mgabblogs niyo! SOSHAL!
Ang saya ng post na ito.
Inis na inis ako sa arms, legs at tiyan ko. Kaya salamat dito, girls. Labyuol.
LOL. So funny, as always. I’m a law student and I look up to the three of you. Hehe. More articles po! 🙂