Para sa hindi pa nakakaalam, share ko lang. Special child kasi si Atekupungsingsing. Mabagal ang mental development niya kaya tahimik, mahiyain at di pala-kibo. Pero simula nang isama ko siya sa office, ang laki na ng pinagbago niya. Naging independent, confident, natuto makisalamuha sa tao at naging masayahin. Nakakatuwa!
P: Ate, paano kung tinopak ako tapos bigla kita binaba dito sa kalsada ng Rockwell?
Ate: Puntahan ko si Nino.
P: Alam mo ba condo nila?
Ate: Ayun oh!
Mahusay!
P: Eh paano kung wala si Nino?
Ate: Sakay ako sa taxi uwing Cavite.
P: Tapos ano gagawin mo?
Ate: Sabi ko sa taxi Coastal.
P: Tapos ano gagawin mo?
Ate: Sabi ko sa taxi Talaba. Hanggang bahay na.
P: Paano kung wala kang pera pambayad sa taxi, ano gagawin mo?
Ate: Daddy bayad pag-uwi ko.
P: Tapos ano gagawin mo?
Nag-isip nang malalim…
P: Ano na gagawin mo pag-uwi?
Ate: SUSUMBONG KITA KAY DADDY!!! INIWAN MO KO!
Oo nga naman! Kasalanan ko!
Minsan tuloy naiisip ko, tama ba’ng nakakasalamuha ni Ate ang magugulo, makukulit, pilosopo at slightly B.I. kong mga ka-opisina? Dati di naman ganyan kasi yan eh! ;P
“Minsan tuloy naiisip ko, tama ba’ng nakakasalamuha ni Ate ang magugulo, makukulit, pilosopo at slightly B.I. kong mga ka-opisina? Dati di naman ganyan kasi yan eh! ;P” — You’re doing a great job P! Atekupungsingsing is lucky to have you as a sibling. I’m a mom to a child with special needs and I appreciate everyone who patiently engages or coaxes him to explore out of his comfort zone. This post warms my heart. 😉
Naku, maraming salamat Miss Rose sa comment mo. I wasn’t expecting na madami makaka-relate sa kwento ko about Ate kaya natuwa talaga ako sa sinabi mo. Hope to meet you and your kiddo someday. 🙂
You’re welcome P. I will backread the posts about Atekupungsingsing. I’m sure I will learn something from you and Mother Earth.
You’re welcome P . We are comrades I will backread the posts on Atekupungsinging. Definitely, I will learn new stuff from you and Mother Earth. Nanghihinayang lang ako, sana noong 2012 ko pa nakita ang TSN. Living under a rock si ateh.