Minsan talaga mapapaisip ka kung bakit may taong ganito.
Meet Jackie Go.
Maganda, mayaman, funny, mabait at last but not the least, may ABS.
Mantakin niyong 2 na anak niya. Ano naman excuse naming tatlo aber?
So ang tanong namin kay Jackie Go… How to be you po?
1. Tiptoe Tip
In our quest to be like Jackie, stinalk namin ang kanyang Instagram. At napansin namin na nakatiptoe siya tuwing OOTD shot.
TSN: Jackie, bakit ka palaging naka-tiptoe sa photo? Anong magandang idudulot samin yan kung gayahin namin?
Jackie: Hahahaha. Hindi ko alam. Mas mukha kasi siyang maayos and para kita toned legs and force of habit kasi usually nag-OOTD ako naka-heels. Pag hindi parang reflex na lang! Hahahaha. Loka kayo!!!
Toned legs! Gusto namin yan! Kaso, may nakalimutang sabihin si Jackie sa amin tungkol sa tiptoe tip.
Kung magti-tiptoe, siguraduhing suot ang buong sapatos. #WalangMaiiwanSaLaylayan
Kung mejo sakang, wag mag tiptoe ng nakaharap…
Nagmumukhang pliers.
–
2. Um-angle (‘Wag full frontal.)
Sabi ni Jackie, sa OOTD photos, huwag full frontal kasi hindi flattering. Dapat quarter angle ganyan.
Paano ba yang quarter angle na yan? Lahat na ng angle sinubukan na namin — 45, 90, 180 degrees. Malapad pa rin talaga! Nasa’n ang katarungan??!
ah eto…
Quarter ganyan… 😛
–
3. Find your light
Lastly, sabi ni Jackie, you have to find your light.
Mejo mahirap ang tip na to…
Bawal daw ang light from below dahil magmumukhang gabi ng lagim. Bawal din ang light galing sa taas dahil mukhang may sumusundo na sa’yo. So dapat ganito???
Parang natutulog lang… 😛
–
Bottom line: Mahirap talaga maging Jackie Go. Pero humanda ka. Kapag nagka-abs kami, nakasuot ng fasyown at mamahaling damit at naging mowdel tulad mo, kabahan ka! CHARAUGHT!!! WE LOVE YOU, MARS!
witty
Hahaha!! OMG. You girls definitely made my day. Parehong kasama sa routine ko ang pagbasa sa blogs nyo. ♥
Keep it up girls. #GirlPower
Hahaha. Eh kayo kaya idol ko!!! Tsk wait lang po, hindi po ako mayaman! Muka lang akong yamanin! Hahahahaha. 😀 Mas madami akong natutunan sa inyo! 😀
Benta! 🙂 Oo nga.. asan na ang hustisya.. paki explain…