Dati pa namin napapansin ni Provinciated na outstanding ang bunganga nya. Hindi “figuratively” ha… “literal”!
Ilang beses na rin umeksena ang remarkable bunganga ni P…
Sa ilang YouTube videos ng TSN…
Sa parody trailer ng movie ni Ate Vi…
And now, eto na ang rurok ng kasikatan ng bunganga ni P!
Presenting Gov. JonVic Remulla’s “Ang Bakya ni Mommy Ditas” featuring Provinciated as the young Mommy Ditas.
Ibang level, di ba?!
Ano naman ang masasabi ni P sa experience niya?
Nakaka-nerbyous na nakaka-challenge. First time eh. Ang professional pa ni Direk Ian at ng staff niya. Tapos nanonood pa nang maigi si Gov. Pogi. #pressure
Walang striktong script na sinusundan. Storyline lang kaya pag sinabi ni direk na ganito ang eksenang gusto ko, kami na bahala sa adlib. Buti na lang madaming eksena ang pasigaw. Forte ko yun eh. Hahahaha!
WOW, ni-niyerbyos pa siya sa lagay na yan 😛
Papa este Gov. Jonvic, sobrang nakakatuwa ang kuwento ni Mommy Ditas. Thank you at binigyan niyo ng role ang aming da one and only, Ms. Provinciated! 🙂 Aabangan po namin ang susunod na kabanata 🙂
Sana makasalubong ko kayo sa Makati at ng makapag pa-selfie man lang.. Astig talaga kayo… 🙂
Akting na akting si ms.P! Pwede!!
Panalo si P kahit di nakapag AnG Tv ay natural ang arte. Nawa’y dumami pa iyong gagampaning mga roles. Abangan ko mall tours mo.
nagmamahal,
Masugid na tagahanga
Ang cute ng anak ni Gov. Ang cute din ni Gov!!!