Sobrang excited namin ni CJ na makakalipat na kami sa medyo mas malaking condo! Nakahanap na din ng sakto sa budget, sa location, at sa size. Mahaba-habang inuman din ang nangyari samin, but I am so happy that we didn’t rush it. Medyo konting tiis sa maliit naming condo before, but it was worth the wait.
Mga limang bloke lang naman ang layo ng lilipatan namin. Gusto kasi talaga naming mag-stay sa Makati. We love the vibe, the community, the accessibility, and the fact na kahit maglakad kami ng madaling araw, relatively safe naman (except kung masagasaan ka ng bus)…
I have never experienced moving places with someone. Dati kasi, lumipat ako sa bahay ng ex ko, so puro gamit ko lang ang gumalaw. This time, with CJ, I am moving WITH him, with OUR stuff into OUR place, that we picked out together and will decorate together. Ang masaklap lang eh pareho kaming sobrang busy. Buti na lang sobrang stage parents ng parents ko at todo tulong naman sila with us sa paglilinis at pagreready sa lilipatan namin.
At dahil Pinoy ako at Mexicano sya madaming mga pamahiin sa paglilipat bahay, katulad ng:
1. Mga Santo. Crucifix at Holy Family at Holy Bible kasama sa paglilipat. Ilagay sa hallway para pang ward off ng evil spirits, or para magulat ka sa gabi.
2. Unang ililipat ay bigas, asin, asukal, samahan mo na din ng toyo at suka. May nagsasabi na dapat may mantika, barya at candies.
3. Magkalat ng asin sa lahat ng sulok ng bahay on the first day. Sa next morning, walisin at itapon…exit nega spirits.
4. Magpa-bless. Yes. Eto ang kailangan at mandatory especially sa nanay ko. Kailangan talaga magpabendisyon ng lugar. Call the local parish priest for the price list, I mean for the schedule.
Huwag kalimutan ang mga barya naipapasabog at pagkakaguluhan ng mga tao.
5. Maglipat during a new moon or a full moon. Yun iba sabi wag maglipat ng “Ghost Month”
6. Kailangan the whole family is present when you spend the 1st night in the new place.
Whether naniniwala kayo or not, I am sure meron at merong mga rituals kayo na susundan. Some are more practical than others or are just totally all out there. There is really no harm naman in doing these little things, and for me, ginagawa ko sya more para matuwa din ang mommy ko. Also, I realized na it helps me keep a positive attitude about my place. Knowing that I did all I can to make it warm and safe and full of life, it makes me feel more at ease.
Hanggang sa susunod na kabanata!
Congrats, Atty! Meron pa ngang, dapat right foot ang unang ihahakbang papasok ng bahay! 😀