Nag-iinuman ang tatay ko at dalawa pang tanders-dabarkads niya sa terrace. Pinatawag ako. Akala ko naman may ikokonsultang kaso.
Tito 1: Naaalala mo dati, Camille, pinakita ko sa’yo picture ng pogi kong anak na nasa States. Tapos pagtingin mo, bigla mo kong tinawag na “Daddy!!!”
P: Hahaha! Oo nga po. (Sabay pa-cute na hawi sa hair sa future father-in-law ko.)
Tito1: May asawa na anak ko eh. Ito na nga picture ng apo ko. Ganda noh?
#Saklap
Tito 2: Yung kakilala tinatanong ka sakin, Camille. Gustong gusto ipakilala sayo yung anak niyang “Doctor of Medicine” (Oo, kailangan kumpletong “Doctor of Medicine”)
P: Ah talaga po, Tito?
Tito 2: Sige, sabihin ko sa kaibigan ko magpasked ka sa anak niya. Derma kasi.
P: Derma po???! Tito, baka naman po bading yan!
Tito 2: Hindi naman…siguro. Pero kung sakali, kaya mo naman siya mapagbago.
#TiwalaLang
Father: Kausap ko si Tito 2 kanina. Bukod dun sa derma, may isa pa raw gusto makipagkilala sayo. CPA lawyer naman.
P: Hala!
Father: Di ko alam paano gagawin sa ganyan eh. Gusto mo ba set tayo ng lunch or dinner? Tapos kasama kami ni Tito 2 mo para di awkward?
P: BWAHAHAHAHAHA!!! WALA NANG MAS AAWKWARD PA DUN, FATHER!!! AKO LANG ANG 35 – YEAR OLD NA BABAENG MAKIKIPAG-BLIND DATE KASAMA ANG TATAY!!!
#ThirdWheelLang
P: Father, si Sam Oh kilala mo? Sikat na radio DJ at host yun eh.
Father: O bakit?
P: Nagpa-freeze kasi siya ng eggs. Sabi ideal age daw na gawin yun hanggang 36 years old. 35 na ko. Pa-freeze na rin kaya ako?
Father: Ano’ng freeze freeze ang pinagsasasabi mo?! Tumigil ka, Camille. Yung asawa nga ni Abraham 90 years old nanganak pa eh. Ikaw 35 lang.
P: Pambihira naman, dad. Eh di pa nga buhay si Hesukristo nun eh!
#IpagpasaDiosNaLangNatinYanAnak
Relate much! Natatakot ako pag sinasabi sakin ng tatay ko na may ipapakilala sya saken!
super relate! yung bang pinoproblema ng buong angkan ang kawalan ko ng lovelife sa edad na 33! jusmio! T_____T
Re #ThirdWheelLang: Uy wag ka! Ako nga separada, may 3 anak. Nung na-revive lovelife ko, binigyan ako ng curfew ng tatay ko na 8pm! Haha! Naloko na!!!