Sabi nila, lahat puwedeng mag-debut. Lahat puwedeng ikasal. Pero hindi lahat, nakakapag-publish ng libro… kaya eto tinodo na namin ang book launch ng “Etiquette for Soshal Climbers.”
Kung ang sosyal party may bonggang set-up… Ang soshal party bongga din ang set-up.
Styling by Sheryl Songsong
Note: Inuwi pa ni Provinciated ang mga fresh flowers at baka sakaling magamit pa sa kasal niya… kung kelan man yun.
Kung ang sosyal party may bonggang food… bongga din ang food namin. Bongga sa execution and pronunciation!
Catering by M2 Catering and Events
Kung ang sosyal party naka-formal ang servers… ang soshal party naka-formal din ang mga servers and bouncers.
Formal ang taas, pang-tambay sa kanto ang baba. Effect!
And of course, a soshal party should have a celebrity host.
Writer, comic, actress, model and host, Ian Galliguez
Yung magaling mag-English pero kasing kulit namin…
What is a soshal party without classical music provided by our very talented violinist friend, PJ Feliciano of the ABS-CBN Philharmonic Orchestra. O diba, ASAP 2016 lang?!
By the way, pag sinabi naming classical music, AEGIS ang tinutukoy namin.
Sabi ni Tita Tessa, giveaways and loot bags are also a big plus in holding events para ma-excite ang guests and also as a thank you for taking time to attend. Not to mention, pag may loot bags daw kasi, mukhang malaki ang budget. Ha! Yun ang akala nila!
The loot bag deserves another post. Abangan.
–
Sabi rin nila, pag may standee ka na endorsing a product, you have arrived! Tulad na lang nina Coco Martin for Max’s Restaurant at Sarah Geronimo for Cebuana Lhuillier. Pero paano pag ikaw mismo nagpagawa ng standee mo…para i-endorse ang sarili mo?
Note: Kasalukuyang nakatayo ang standee sa tabi ng Christmas tree sa bahay. Ang saya!
With a lot of our friends, relatives, kapitbahay and readers present to support us, it was, to the three of us, a very successful event. Maraming maraming salamat kay Madam Lisa Gokongwei and the people from Summit Books dahil napansin niyo po kami.
Special thanks to the artistic team composed of Era, Mich, Paula, Papa Cyrus, EJ, Happy, Archie, Dave and Beam for helping us create a book of national interest (dahil tinitinda sa National Bookstore) and soshal relevance. Ito na ang pamanang handog namin sa susunod na henerasyon.
Thank you also to our Nuffnang Family for all the support!
And to our photographers, Lianne and Weki!
Thank you to National Book Store and to our sponsors, Philippine Airlines, One Tagaytay Place Hotel, The Brewery at the Palace, St. Nails Spa, Purefoods Blue Line, Girl Stuff Forever, Bad Ass Fragrances, Bai’s Lechon Cebu and Jose Cuervo.
And siyempre to our family, friends and readers!
At bilang pasasalamat sa aming readers, may bonggang giveaway kami! Dito namin mapapatunayan na malayo talaga ang nararating ng soshal climbing – any domestic destination sa Pilipinas, in fact!
For more details, click here:
ETIQUETTE FOR SOSHAL CLIMBERS GIVEAWAY
So ano pa? Sumali na kayo! Teka, bili muna kayo ng libro tapos sumali kayo. Ambag niyo na ‘yan sa kasoshalan namin sa susunod na taon. 🙂
Leave a Reply