May nagregalo ng Rolex kay Father Thunder noon. Maganda daw yun kasi “automatic” na klase. Pero nagtataka ako bakit “automatic” ang tawag pero tuwing umaga, kinakalog ng tatay ko yung relo habang nagkakape sa terrace namin. Sa loob loob ko, kung automatic na yan, paano pa ang manual?!
Pero dahil matagal na ‘yun, malaon ay nasira ang Rolex. Kaya naman inutusan ako ni Father Thunder dalhin ito sa service center malapit sa opisina ko sa Makati.
Father: Ayan ang kahon, Camille. Ingatan mo at nag-iisa yan!
Di ko inalis ang kahon sa bag at paningin ko. Mahirap na. Wala akong pambili nun. Nagpasama pa nga ako sa kwela kong officemate na si Shalma para secure.
Pagdating sa service center, nagulat kami. Naka-all black na amerikana ang mga security at receptionist. Lahat malalaking lalaki. Binigyan kami ng number at naupo kami sa mala-lobby ng 5 star hotel. Nakita namin na ang mga watch specialists nila ay naka-gwantes pa. Grabeng soshal.
(www.weareable.uk.com)
Kaso lang, ginahol kami sa oras dahil may lunch meeting kami. Kaya naisipan namin umalis muna at bumalik na lang sa hapon. After lunch, nagpabili si Atekupungsingsing ng pasalubong. Burger daw. Syempre, di ako nakatanggi at dumaan kami sa Wendy’s para bumili ng Bacon Mushroom Melt Meal.
(Wendy’s Honduras)
Pagbalik namin sa Rolex Service Center, hala, ang dami nang tao! Pero ang tahimik nila. Lahat mukha at amoy mayaman! Nagulat ako. Dahan-dahan kong nilapag ang plastic ng Wendy’s sa sahig, sabay upo sa pinakamalapit na upuan. Shet, amoy na amoy pa yung fries.
Di naman na-bother sa amoy yung poging binata na nakatapat namin ni Shalma. Mukha rin soshal si koya.
Shalma: Ano ba sira nyan?
Camille: Sabi ng daddy, bumibilis daw ang oras. Tapos biglang huminto.
Shalma: Ano ba ‘yan! Parang imbento lang ah! Time space warp?!
Camille: Hahahaha! Masaya nyan pag wala pala dito sa kahon yung relo! Imbentong imbento talaga!
Shalma: Check mo kaya!
Napatingin na sa ‘min si pogi. Di ata siya sanay sa maingay. Maingat kong nilabas yung kahon sa bag, tinanggal ang takip, pati yung mga certificate at cards na nakapatong…SAKTO! WALA NGA YUNG RELO!!!
(www.seton.wa.edu.au)
Camille: Shal, tignan mo! Wala yung relo!!! (Sabay binukadkad ko kay Shalma lahat ng laman ng kahon…pwera ang relo!!!)
Shalma: Isara mo nga yan. Alis na tayo.
Camille: Teka! Tatawagan ko tatay ko!
Sa puntong ito, very involved na si pogi sa nangyayari samin. Kita ko na ang concern niya sa nawawalang Rolex! Sumagot naman si Father Thunder sa telepono…
Camille: Daddy! Wala ang relo!!!
Father: ANO’NG WALA?! SAAN MO NILAGAY?!
Camille: Aba, malay ko! Ikaw nag-abot sakin ng kahon eh! Wala palang laman!
Father: P@#$@%#@ INA!!! Hahanapin ko!
Sabay binabaan ako ng telepono.
Shalma: Ano pa ginagawa natin dito? Sabi na nag-iimbento ka lang talaga eh!
Camille: Tanga ka! Nawawala na nga eh! Buti di pa tinatawag number natin. Baka akala nung nagch-check, nag-iimagine akong may relo sa kahon. Tapos makiki-ride siya na may sinusuri siyang imaginary relo. Pero kinikindatan na niya yung guard para palabasin tayo.
Shalma: Thank you, Lord. Alis na tayo!
Unti-unti kong dinampot ang plastic ng Wendy’s sa tabi ko. Pinilit kong di tignan yung poging katapat namin kung ano na status niya – natatawa ba o nandidiri na samin.
Paglabas namin, sinalubong kami ng guard na naka-amerikana.
Guard: Ma’am, alis na po kayo?
Camille: Oo, ang dami kasing tao eh. Next time na lang siguro kasi we’re very busy people. ☺
Charotera! Sa isip siguro ni guard, “Very busy eh nakabili ka pa nga ng Wendy’s. Ikaw lang gumawa nyan dito!” Paglabas namin, at habang nagkakanda-ihi sa tawa, tumawag si Father Thunder.
Father: Anak, nahanap ko na! Andito pala sa drawer. Hehe.
Camille: Buti na lang, dad! Minura mo pa ko kanina ha!
Ang natutunan namin…
1. Bago pumuntang service center, siguraduhing may ipapa-service ka.
2. Pag nagpapanic, wag masyado pahalata.
3. As much as possible, pag pupunta sa soshal na lugar, wag na magdala ng supot ng Wendy’s. Masyado kayo mapapansin.
Buti na lang mag-isa lang ako habang binabasa ito. tumatawa ako mag-isa!