Pag sinabing Summer, hindi lang bakasyon ang inaalala natin kung di, ano’ng gagawin ng mga anak natin?! Para sa mga walang budget ienroll ang mga bulilit sa summer classes, eto ang ilang workshops which will guarantee practical learning and development for free!
To teach kids advance math and the virtue of patience…Pagbunutin ng uban.
.
Help them learn more about pressing environmental issues… Pagupitan ng damo.
Keep off the grass pala. Hindi cut the grass!
.
Start them young. Show them that bling is in. Pero mahal ang alahas na shiny…kaya floor na lang ang ipagawang shiny.
.
They say fashion is art and you are the canvas. Teach your kids the joy of dressing… and mending! Pagsulsihin ng mga butas na kilikili ng tshirt at pundyo ng shorts.
..
Teach your kid the value of saving at a very early age. Pasimutin sa kanya ang ketchup.
Para in the future madami na siyang ketchup. 😂
It is best to allow kids to understand the circle of life early on…and how all good, and kadiri, things must come to an end. Paubos sa kanila ang mga lamok at langaw sa bahay.
.
Segregation is in. In fact, it’s a must for every man, woman and child to learn how to segregate… Hindi basura. 3-in-1.
Tignan natin kung di maubos oras nila.
.
.Building blocks will help build their creativity and motor skills…pero mahal ang Lego…Kaya putik na lang. #SigeSaMantsa
Tutal pagkatapos niya maglaro sa putik kailangan niya ring ma-Lego. 😂
Leave a Reply