Sabi nila, kapag pawisin ang ilong, selosa daw. Well, di naman pawisin ang ilong ko. Pero sobrang OILY siya. Baka dahil mas malapot at malupit ang mantika, ibig sabihin din nun, grabeng pagkaselosa ko.
Di ko naikwento sa inyo pero may dine-date na ‘ko ngayon. Wag na muna kayo makiusyoso kung sino siya. Bukod sa he’s a very private person (Charot!), baka maudlot. Ika nga ni Lola Nidora, “SA TAMANG PANAHON.” Sa ngayon, itago na lang muna natin siya sa letrang “B”.
Isang gabi, nagtext sa’kin si B…
B: P, punta lang akong Highstreet ha. Nakikipag-meet lang sa R.O.X. yung friend ko.
P: Sino’ng friend?
B: Si Verns. Friend ko from college.
P: Ah ok…
“Ah ok…” pero sa isip-isip ko, kerengkeng naman nitong Verns na ‘to. Bibili lang ata ng medyas sa R.O.X. kelangan pa magpasama. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kelangan ko ma-maintain ang pagiging “understanding” kong girlet. Pero sinusubok ata talaga ako ng tadhana…at ni Verns…
B: P, nagyaya lang si Verns mag-dinner. Kain lang kami sandali tapos uwi na ko.
AY, UMUSOK NA ANG TENGA KO ‘TEH! Bibili kunwari sa R.O.X. pero iba pala ang pakay! Sinubukan kong hanapin sa friends list ni B si Verns. WALEY! Akala ko ba friends sila?!?! Lalo ako naghinala. Nakikinita ko na itsura nung Verns nung nakipag-meet. Siguro bihis na bihis. Mala VERN ENCISO ang naiimagine kong awra niya — maputi, sexy, soshal na soshal manamit…
Di na ko nakapagpigil.
P: Alam mo, ok lang naman sa’kin makipag-meet ka with friends. Pero pag one-on-one meet up with a friend na babae sa Highstreet na ultimate date place, iba na ata yan. Papasama lang bumili kunwari tapos magyayaya pa ng dinner. Manood na rin kaya kayo ng sine?! ‘Yung romcom ha. Naglalandi na ‘yan sa tingin ko. But then again, it’s your call.
“It’s your call.” Taray! Napa-english na ko sa inis eh! Lalo ako nabuwisit sa nireply sakin…
B: Hahaha! Natatawa na lang ako sa’yo. Sige, later na lang.
Tinext ako nung gabi ni B. Nakauwi na raw siya. Di na ko nagreply. Hmph! Kinabukasan, sinundo niya ko sa opisina.
P: Oh, kamusta DATE niyo ni Verns kagabi?
B: Hahahaha!
P: Tawang tawa ka ha. Enjoy na enjoy lang???
B: Alam mo ba sinasabi mo? Si Verns, classmate ko nung college.
P: Oh ano ngayon?
B: Diba sa San Beda ako nag-college?
P: Oh eh ano naman? Dapat friend mo siya sa FB. Eh bakit wala? Siguro tinatago mo sakin.
B: Teka makinig ka muna. All boys yung San Beda noon diba? LALAKI SI VERNS! VERNARD. Hahahahaha!
P: …
Nilabas ko ang cellphone ko at agad hinanap si Vernard sa friends list niya. Andun nga. Malaking lalaki, moreno, may asawa at dalawang anak. Shet, napahiya ako.
P: EH BAKIT DI MO SINABI AGAD?! Dapat kagabi pa lang sinabi mo nang lalaki yun.
B: Sinabi ko namang college friend ko ah. Hahaha!
P: Malay ko ba history ng pagiging exclusive all boys school ng San Beda noh?! Co-ed na kaya yun ngayon.
Dinaan ko na lang sa sungit ang kahihiyan ko. Di bale kasing selosa, wag lang ASSUMERA! ;P
awwww 🙂
Madam, ano na nangyari kay Papa N?