3 months na si Aki.
Ang bilis ng panahon. Bakit ang mga babies parang ang bilis lumaki… pero ang nanganak, matagal lumiit?
…
Addie: Mommy, Aki is out here na di ba? Eh what’s that inside your tummy.
Me: Twin niya. Naiwan. Go to sleep!
….
New client: It’s very nice to meet you, Atty. Dela Cruz. Are you having a baby? (Sabay turo sa tyan ko.)
(Me: Marunong po ako gumalang sa nakakatanda kaya di nalang po ako iimik.)
….
Sales Lady: Ma’am kunin mo na ‘to. Bagay sayo.
Me: Talaga?
Sales Lady: Opo. Tapos pag nanganak ka na, pwedeng mo pa rin suot pag nag breastfeed ka.
(Me: FYI, nanganak na kasi ako. At FYI ulit, ampapanget naman ng tinda niyo.)
….
Habang nag-iikot sa Women’s Wear section…
Sales Lady: Ma’am, malapit na kayo manganak?
(Me: Nanganak na kasi ako. Pero ikaw baka malapit ka nang masabon. Imbey!)
….
Ang sakit mars. Di bale, buntis man sa inyong paningin, hintayin niyo, ako’y papayat din! At kahit di man ako maging sexy mama, magiging best mama naman ako sa dalawang bagets ko. 🙂
It was the same struggle i have here. Kala buntis ako samantalang i gave birth a year ago.
I use lemon for my skin…. Lalo na sa mukha…bawal kasi ang mga may chemicals…. Para sa safety ni baby and pinapahid ko rin sya sa tummy para wala masyado stretch mark…meron konti pero sobrang minimal Hindi sya halata…until now ginagamit ko sya kaya naglighten na kulubot na lang…
Garlic for warts…lalo na nung preggy naglabasan lahat yan…
I use apple cider vinegar for my scalp kasi nung preggy makati lagi yung scalp ko kahit wala namang kuto..Hahahahahaha diluted with water babad konti… Then banlaw…
Garlic also nung sumakit yung ngipin ko kasi di pede magtake ng gamot…nawala naman agad…
Turmeric powder haluan ng konting luyang dilaw fresh for facial mask… Nakakawala ng wrinkles and naglighten din yung skin ko sa face… 19pesos lang sya sa puregold…
Di kailangan mahal ang paggpapaganda… Try nio wala naman side effect if ever puro natural naman yan… 🙂
Try nio po lemon water with cucumber I gave birth 3 months ago 8pounds yung baby ko and luckily back to normal na yung tummy ko…parang di daw ako nanganak ..no need to diet… I enjoy eating as much as I want…. As we age kasi yung metabolism natin bumabagal…kaya lumalaki yung tyan…kahit di tayo sobrang lakas kumain…try nio natural na safe pa… Kaya ko pumayat in one month gamit yang drinks na yan…. 🙂 wag kayo nagpapaniwala sa mga kung anek anek na slimming pills and drinks sa market lahat ng need nio for healthy living kahit sa pamapaganda nasa kusina nyo lang…. 🙂
Mahal lemon d2 sa pinas, pwdng kalamansi?
I feel you! Mas malaki pa nga tiyan ko ngayon kesa nun nanganak ako :'(
Ako din
Thank you for this! My daughter just turned one at ma7 mga tai talagang matatabil ang dila. Haha