Paano magmayabang na hindi halata.
May bago kang cellphone, bag, relo o may travel ka na gusto mo ipagmalaki pero natatakot kang tawaging mayabang. Ano’ng puwede mong gawin?
Magpaawa effect…
CAPTION: Feeling so sick today huhu…
(Ilabas ang mga gamot, pang hot compress, tubig at thermometer for more effect. Isama ang bagong gamit and voila… paawa yabang style)
.
Puwede din “stressed”…
CAPTION: All work and no play 🙁
(Ipakita ang laptop, madaming papeles at ballpens. Pero siguraduhing kita ang pinagmamalaking pool sa background)–
.
So ang technique ng simpleng yabang (o humble brag) is to divert your friend or follower’s attention to something else.
CAPTION: Kain tayo guys!
(Yung fact na mas malaki pa yung bato sa singsing mo kaysa sa butil ng kanin ay minor issue lamang. Niyaya mo lang sila kumain… nagkataon lang na may suot kang mahal na singsing.)
.
CAPTION: I have a pimple huhu 🙁
(Ang pimple hindi kita pero ang bagong phone halos sakop ang photo.)
#LivestreamBeautifully #LetsGoLive #ZenfoneLive
.
Kahit na iba ang subject ng caption mo, make sure na nakikita pa rin ang item na pinagyayabang mo…. Because yun nga ang point ng post mo.
CAPTION: Puro kalyo na paa ko sa kakalakad.
(Pagkasyahin mo sa frame ng camera ang lahat ng paper bags mo… malay ba nilang walang laman yan)
.
CAPTION: Wow, ngayon lang ulit ako nakakita ng sungka for the longest time.
(Spot the new sapatos)
–
Be creative. It’s both an art and a challenge.
CAPTION: I badly need a mani. 🙁
(Siguraduhing kita ang logo ng relo guys.)
.
CAPTION: Time to study new words.
(Wala na kasing ibang pwesto sa bahay niyo maliban sa harap ng NAPAKALAKING TV eh.)
.
Caption: I badly need a Coke now.
(Dahil kailangan makita ang kumikinang na logo sa steering wheel)
..
CAPTION: I found a cute centipede today.
(Kebs nalang na kagulangot lang ang centipede at bakit nasa sahig ang bag mo. Hayaan mo na sila mag-isip ng dahilan)
.
CAPTION: Weekends are for household chores.
(Oo, kailangan sa harap ng bago mong koche ikaw magwalis.)
.
Puwede rin wag mo nang itago… ipakita mo na ang recent purchase mo. Pero lagyan mo ng mahabang kuwento bakit mo deserve to…
CAPTION: Pagkatapos ko mag-graduate nagtrabaho ako agad para makatulong sa pamilya. Sinabi ko sa sarili ko na dadating ang panahon na ako naman ang magbibigay sa aking mga magulang. Pumasok ako sa isang kumpanya na hindi kataasan ang suweldo pero mabubuti ang mga amo. Pinulitika ako ng mga ka-opisina ko. Malamang nainggit sila dahil palagi ako pinupuri ng aking mga amo. Ginalingan ko. Kahit wala akong kaibigan sa opisina, di ako sumuko. Dumami ang trabaho. Halos hating gabi na ako nakakauwi. Tiniis ko dahil alam ko, mabibiyayaan din ako balang araw. Sipag at tiyaga lamang ang kailangan. Ngayon, nakabili na ako ng wallet.
(Sa haba ng kuwento, nakalimutan na nila na may wallet ka nga pala sa photo mo.)
TANDAAN:
General Rule: Hindi maganda sa tao ang mayabang.
Exception #1: Pero kung may kausap kang mayabang, dapat mas mayabang ka.
Exception #2: At kung di mo mapigilan magyabang, simplehan para may matirang kaibigan. 😆
.
Grab a copy of our book mga bes!
Leave a Reply