Mabilis lumaki ang mga bata. Parang kailan lang karga karga mo sila… ngayon, lumalawak na ang kaalaman nila. Katulad nitong si Addie.
May alam na siya sa relationships…
Addie: Mommy, if I don’t want to get pregnant, I have to stay away from boys right?
.
And family planning…
(Habang umiiyak si Aki)
Addie: Mommy, you’re always awake. You’re always in a hurry and tired.
Me: Yes because Mommy is taking care of you and Aki.
Addie: See, Mommy?! I told you not to have another baby.
😂😂😂
.
Naiisip na niya ang kanyang future…
Addie: Mommy, let’s play dress up.
Me: Okay.
Kumuha siya ng blanket at sinuot na parang veil.
Addie: Kunwari, I’m getting married.
Umiyak ako kunwari.
Me: Waaaah… huhuhu!
Addie: Why are your crying, Mommy?
Me: I don’t want you to get married yet.
Addie: Why?
Me: Because you’re going to leave me.
Addie: Oh like when I go to college in California?
..
Serious na rin siya sa buhay…
Addie: Mommy, can you and Tita Camille be serious?
Me: What do you mean?
Addie: Can you not be silly?
Me: Why? Are we silly?!?!?
Addie: Yes! All the time. When you do the soshal soshal.
.
At gusto na nya ng privacy….
First day of school, excited na excited si Addie until…
nilabas ni Mommy ang phone niya to take her picture. 😂😂😂
.
Minsan naiisip ko kung tama ba ang pagpapalaki ko kay Addie. Hindi man ako single mother, naiyak ako sa video na ‘to:
Favorite line ko yung “Tama ba yung ginagawa ko? Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado. Pero pag tinitingnan kita, princesa, alam kong may ginagawa akong tama sa buhay ko.” Waah!!!
Di magtatagal magcocollege na si Addie… di lang ako sure kung kaya ko makaipon ng dollars para sa California. Di magtatagal magkakaron na siya ng sariling lakad… di lang ako sure kung kaya kong di sumama. Di magtatagal mahihiya na sya sa mga jokes ko… di ko lang sure kung maawat nya ako magjoke. 😛
Pero sure ako na kahit tumanda na siya at magkasarili na siyang buhay, siya pa rin ang unica hija ko… my Addietot. At dapat sure na rin ako sa future nya… One of the best gifts I can give to Addie is to secure her future. Sana lang dito ang future niya… hindi sa California!
To know more about planning your child’s future, visit sunshorts2.com
Leave a Reply