Tinanong kami ni Rochelle kung ano ba ang ibig sabihin ng Gusot Mayaman?
So kung may “Gusot Mayaman”, may “Gusot Mahirap” ba? Ayon sa aming masusing pagsusuri, eto ang pagkakaiba.
.
Gusot Mayaman…Damit lang gusot.
Gusot Mahirap… Pati mukha gusot.
(Tignan niyo si D, pati cheekbones may tupi! 😛  )
.
Gusot Mayaman… Sagana sa almirol.
Gusot Mahirap…Sinuot ang pang-almirol.
(Bromate-Free yan! Ano ba yung Bromate?)
..
Gusot mayaman…mala-perlas ang butones.
Gusot mahirap…mala…este wala na palang butones.
.
.
Gusot Mayaman… De-kuryente ang plancha.
Gusot Mahirap… De-uling ang plancha.
(TIP: Patungan ng tuyo ang uling para after plancha, diretso tanghalian na.)
Gusot Mayaman…Kahit bagong laba at plancha, gusot!
Gusot Mahirap… Gusot kasi nung isang linggo pa ang huling laba.
(#SideASideB)
.
Gusot Mayaman…Gusot puwera kuwelyo.
Gusot Mahirap…Pati kuwelyo ng brip gusot.
(SUNJOY is da best policy! Tanungin niyo pa mga tatay niyo!)
.
Gusot Mayaman…May disenyong burda.
Gusot Mahirap…May letrang burda.
(Baka magkapalit kasi ng kapitbahay. Mahirap na.)
.
Kesehodang gusot mayaman o gusot mahirap yang suot mo, ang importante planchado naman ang ugali mo. Kahit gawa sa linen ng sako ang polo barong, pag maaliwalas ang ngiti at awra mo, walang mangmamata sa’yo.  At kung sakaling meron man, pwes, SUMAKAY SA KABAYO AT HABULIN MO NG PLANCHA MO!
Leave a Reply