Dahil medyo nagnenesting ako, feeling ko mala-Martha Stewart na ang level ko sa pagaayos at pag-decorate ng bahay ko. And the advent of Pinterest has not helped dampen my delusions of grandeur when it comes to doing shit my self. Halos lahat ng pegs, recipes at decorating tips sa Pinterest ko nakukuha. Pramis, pati pagluto ng tinola, meron sa Pinterest.
At dahil din manginginom ako, madami akong wine bottles sa bahay. Therefore, SEARCH: what to do with empty wine bottles … At primerong lumabas ay DIY: WINE BOTTLE CHANDELIER. Ganito ang peg…
Simple pero elegante. Mukhang kaya ng powers ko ‘to.
Eto daw mga kailangan:
- Empty wine bottle
- Lighter
- String
- Acetone (as in Acetone — hindi yun mga bagong nail polish remover)
- Ice water sa palanggana
Talian ko raw ang wine bottle ng tali na binabad sa acetone at silaban. Tapos biglang ilublob sa malamig na tubig. Kusang mapuputol na raw ang wine bottle parang ganito.
Sinunod ko naman lahat ng instructions pero bahagyang nag-crack lang yung bote.
Di naman naputol. Inulit ko ulit. Waley talaga. Di ko alam saan ako mas magagalit – sa Pinterest kasi palpak naman ang DIY nila o sa pinagbilhan ko ng acetone. Baka hinaluan na ng tubig ng lintik.
Sa madaling salita, nawala ang pangarap kong gumawa ng wine bottle chandelier. Ibang project na nga lang gagawin ko…ito sigurado di na papalpak…
DIY: WINE BOTTLE BUBOG. ;P
Leave a Reply